p a k w a n g - p a n g i m a y - b l a g
p a k w a n g p a n g i m a y b l a g

Sunday, December 25, 2005

Joy Tumalon

Dahil Pasko, naalala ko ang mga kanta namin ng mga kalaro ko sa kalsada noong bata pa ako/kami. Hindi namin alam kung sino ang nagbago ng mga titik ng awitin, pero heto ang isa na paboritong-paborito kong kantahin mula noon hanggang ngayon:

Joy Tumalon
(sa tono ng “Joy to the World”)

Joy tumalon sa bintana,
Nauna ang baba.
Medyas ng Ilokano,
Sapatos ng kabayo.
Balakubak ng kalbo,
Balakubak ng kalbo,
Gumamit, gumamit ng Guard shampoo.


kelly.kili at 5:50 AM

Sunday, November 27, 2005

Para sa mga Tomas Agulto: Ang Mga Makata sa Panahon ng Krisis: Sa Loob (man) at/o sa Labas ng Conspiracy

Ang pamagat ko ngayon ay subtitle ng Asintado forum ng KM 64. Gusto kong hiramin ito para maglinaw ng ilang usapin hinggil sa samu't saring produksyon at reproduksyon ng kahulugan sa halaga at papel ng makata sa isang bansang-estadong tulad ng Pilipinas na palagian namang nasa krisis. Kronik nga raw ang krisis sa bansa, bunga ng nagsasalimbayang imperyalismo, burukrata kapitalismo at pyudalismo. At sa isang lipunang malakolonyal at malapyudal, paano nga ba sinusubukang baguhin ng makata ang kaniyang kinagisnang sistemang pampulitika at pang-ekonomiya.

Hindi naman talaga sa porum ng KM 64 iinog ang entry kong ito. Bagamat marami akong naririnig tungkol sa apatetikong pormalismo ni Lourd de Veyra at sa diumano'y katarsis ni Allan Popa. Mas iinog ang aking pagtalakay na ito sa isang may kahabaang komento na nakuha ko mula kay Tomas Agulto, isang kilalang makata ng kaniyang panahon. Nang bahain ko ang maraming egroups at email accounts ng iba't ibang grupo at indibidwal upang ipabatid ang anti-Gloria na gabi ng tula ng UP AWARE (UP Alliance Working for Arroyo's Removal), isa sa unang sumagot si G. Agulto. Hindi ko siya personal na kakilala. Ni minsan ay hindi ko siya namataan sa anumang pulong o aktibidad ng Akdang_Bayan kung saan pareho kaming kasaping tagapagtatag, diumano. Para maunawaan ng sinumang nagbabasa nito ang konteksto ng panulat kong ito, sinisipi ko sa baba ang buong komento ni Tomas Agulto.

Aniya, "magandang balita ang aktibidad na ito (kahit na medyo may panganib na maging tampulan ng katatawanan, o kakornihan.) ang mungkahi ko para mas maging epektibo
ang okasyong ito tulad ng sinasaaad ng aktibidad: baka pwedeng dalawahin ang programa, habang nasa main room ang orig na poetry reading ng "mga makata para sa pagpapatalsik kay gloria" ay sabayan ng mga ka-abs (akdang_bayan) ng programa sa lobby ng conspiracy at ang pamagat naman ay "gabi ng pagpapatalsik sa makata sa saya ni gloria at pundya ng iba pang pulitiko"

kung merong ganitong programa, di tayo mapagbibintangang magtutulaan tayo sa isa't isa laban
sa pulitiko, Buti sana kung gagawin ang tulaang ito sa plaza miranda at ang audience ay masa, okey lang. pero diyos ko, magiging elitista yata ang mga makata ng bayan kung sarili nilang venue ang tulaan pero pulitiko ang babanatan, tandaan nating kasing bigat din ng kasalanan ng mga pulitiko ang mga makatang nagpuputa sa ilalim ng saya o pundiya ng mga pulitiko,

o di ba, masaya kung tayo tayo ay magtutulaan na may pamagat na "pagpapatalsik sa mga makata sa saya ni gloria at sa pundya ng iba pang pulitiko, ihabol pa natin sa title " noon at ngayon".

Ilang ulit ko munang binasa ito bago ako tumugon kay Agulto. Ang pangako ko kasi sarili, hindi lamang bilang nag-aastang makata, ay magiging diplomatiko ako sa anumang bagay at sa kahit sinuman. Pinag-isipan kong mabuti, bagamat nandidilat na ang panunuya sa kaniyang teksto. Kung papansinin natin ang komento ni Agulto, ang kaniyang hinihirayang projeksyon para sa gabi ng mga makata ay ang paglulunsad ng kasabayang programa sa lobby (labas) ng Conspiracy. Hindi dapat matali sa simplistikong polemikal na erudisyon ng pagtutunggali ang dapat manaig dito. Kung usapin ito ng espasyong politikal, tama si Agulto sa pagsasabing ang gabi ng mga "orig" na makatang anti-gloria ay pumili ng isang espasyong elitista at/o panggitnang-uri. Sa kasong ito, ang Conspiracy. May relatibong hirit rin ito sa hinuha ko hinggil sa labanan ng espasyong pribado at pampubliko. Parang sinasabing: "Bakit sa Conspiracy pa? Dapat sa kalsada o plaza ginagawa ang ganitong mga aktibidad." Na sa tingin ko ay tumpak naman. Ano nga ba naman ang silbi ng mga tulang ipapasalimpad mo lamang sa sumisirkong ihip ng hangin sa loob ng isang malamig na kuwadradong silid ng Conspiracy. Bakit nga ba naman "tayo-tayo" lang ang magtutulaan. Tayo-tayo lang ang magwiwisikan ng laway at pilit na huhuli sa mga salitang pinagbubuno ng mga makata para sa pagpapatalsik kay Gloria.

Sa ganitong punto, ang sigasig sa pagbubuo ng okasyon ay nagkakaroon ng distorsyon dahil sa piniling espasyo. Ngunit, kung tutuusin, ang aktibidad na ito ng UP AWARE, isang alyansang mas malaki ang saklaw kaysa mga reapirmista lamang, ay naglalayong pagbigkisin ang kahit na anumang puwersa at linyang pulitikal basta't naglalayong patalsikin si Gloria. Kaya nga "Working for the Removal of Arroyo" ang operatibong mga salita dahil iginigiit nito na lahat ng paraang polemikal, paraang parliyamentaryo at extra-parliamentaryo, paraang pambatas at labas-sa-batas-ng-estado, ay hinihimok na gawin upang maabot ang layong matanggal sa poder ng kapangyarihan si Arroyo.

Bilang miyembro ng UP AWARE at isa sa mga organisador ng nasabing gabi ng mga makata para sa pagpapatalsik kay Gloria, nais kong ipasalimpad sa birtwal na landscape na ito na walang ilusyon ang gabi ng mga makata na ito ang tanging paraan upang mapatalsik si Arroyo. Gayundin, wala itong ilusyon na ito ang magiging mapagpasiyang puwersa upang tanggalin sa poder si Arroyo. Lalo't higit na walang ilusyon ang programang ito na nakabig at nahamig nito ang lahat ng mga makata upang tumula at kumilos laban kay Arroyo. Sa katunayan, marami sa mga makatang nakasama sa koleksyon ang iba-ibang politikal na linya ang bitbit -- iba-iba at magkakatunggali ang mga tradisyon ng pagtulang pinaniniwalaan -- ngunit masasabing may relatibong pagkakaisa sa proyektong ito ang mga makata ng iba't ibang pampulitikang linya at oryentasyon para sa iisang tunguhin -- ang magpahayag ng diskontento sa kasalukuyang estado.

Kung kaya ang patutsadang lumalang ng kasabay na programa sa Conspiracy, na iminumungkahi ni Agulto na gawin ng Akdang_Bayan, ay isang tipikal na senaryong tila nang-uusig, ngunit sa katunayan ay mapanghati at mapagpanggap. Isang aksiyon nakaugat sa iskemang putsista -- ang lumikha ng gusot kung saan mayroong mas malaking gusot at sigalot. Ang mga makata sa panahon ng krisis ay hindi nangangailang maging mapanghati at masentro sa barkadismong pyudal at binulok na ng personal at burgis na krisis ng titi at toma. Ang sirkulo ng sentimiyentong hungkag dahil sa batakang-etits at banatang-serbesa ay walang patutunguhan kundi ang pusali at kangkungan.

Sa isang bansang kronik ang krisis pampulitika, pang-ekonomiya at pangkultura, ang makata ay isa sa dapat naghahatid ng pagbabago at hindi nagpaparahuyo sa dikta ng pyudal na kultura na ang "matanda ang matalino;" na "nanggaling na kami diyan; papunta pa lang kayo." Ngunit sa katunayan naman ay naglulunoy na lamang sa laos at huwad na pragmatika ng panunudyong patula, kung maituturing man itong progresibong pragmatika. Dahil ang kasalukuyan ay hindi lamang madaraan sa patutsada. At wala ring pinipiling espasyo ang pakikibaka. At walang ilusyon sa pakikibaka. Hindi ito tulad ng vanity publication ng Akdang_Bayan, na tunay na magiging usapin lamang ng banidismo kung hindi rin naman maihahatid sa nakararami. Hindi ito tulad ng epikong pang-estado ng panahon ni Marcos. Hindi ito tulad ng una nang siniphayang sirkumbensiyon ni Bienvenido Lumbera. O ang maling akala na namatay ang pagmamakata noong ipinataw ang Batas Militar noon. O, tulad ng atas ni Arroyo na ipabatid muna sa estado ang anumang ilalathala o ilalabas sa publiko ng midya. At lalong hindi tulad ng talang ito na wala pa sa 20% ng pangkabuuang populasyon ng bansa ang nakababasa.

Kaya nga nung Biyernes, Nobyembre 25, 2005 ay kasama ang UP AWARE sa mga nagtangkang magmartsa patungong Mendiola. Kaya nga sa mga nagdaang buwan ay nagluluwal ng protesta ang mga kalsada. Kaya nga sa mga nagdaang araw ay nagnanaknak na sugat ang mapapanghing lagusan ng Maynila at marami pang lunan sa Pilipinas. Kaya nga nakikiisa ang mga makata sa mas maraming Filipino na araw-araw at gabi-gabing kumakalam ang sikmura. Kaya nga nagmamakata at nagmamartsa. At hindi nagmamakata-makataan lang. At lalong hindi nagmamartsa-martsahan lang.

kelly.kili at 3:39 AM

Saturday, November 26, 2005

Trip to Mendiola, Nob. 25

"Ano pong softdrinks n'yo?" tanong ko sa tindera ng pinakaabang sari-sari store na nakita ko sa isa sa mga sanga-sangang daan papuntang Mendiola. "Wala. Kasalanan n'yo kaya wala," ang sagot ng tindera.

Hindi ko na nakuhang bunutin pa ang P20 sa kaliwang bulsa ko. Tumalikod ako at muling sumama sa bulto ng mga raliyista. Kahit na anong tagtag ng paglalakad, ayaw maalis sa utak ko ang sinabi ng tindera. Nakikita ko ang mukha niyang galit sa batok ng mga nasa harapan kong nagmamartsa papunta sa isang tila imbudong interseksyon. Hindi rin ngiti ang nakita ko sa higanteng dilaw na M ng McDonald's. Nakabusangot na mukha ang nakita ko. Ang naaburidong tindera.

Sinundan ito ng mga busina ng mga pampubliko at pribadong sasakyan. Parang bigla kong narinig ang mga estudyante ko sa isang klase na nagsabing kaya raw matrapik sa Maynila ay dahil puro rali ang inaatupag ng mga tao. Kung alam lang nila na ang mga pulis naman talaga ang may kasalanan kung bakit naiimbudo ang mga sasakyan at tao. Nakaharang ang mga pulis sa daraanan ng mga raliyista.

Ihing-ihi ako kanina. Naalala kong may sakit nga pala ako sa kidney. Bigla ko kaninang naisip na, shet, nag-iipon na naman ako ng asin sa katawan. Lagot ang kalusugan ko. Pero kung gaano katindi ang pagiging di-komportable sa pagitan ng aking mga hita, mas matindi ang uhaw ko. Pero mas matindi pa rin ang haplit ng sinabi ng tindera at ng busina ng mga sasakyan.

Sa Pilipinas na marahil masasabing pinakareklamador ang mga tao. Hindi ito nakapagtataka. Kung may mabuting idinulot ng neokolonyal na pamamalakad sa bansa, ito ang tradisyon ng pakikibaka. Mula pa sa kolonyal na pananakop ng mga Kastila hanggang sa "benevolent assimilation" ng mga Amerikano. Walang kaparis ang Pilipinas. Mali. Maraming kaparis ang Pilipinas. Ang Venezuela. Ang Vietnam. Ang Mexico. Ang Maraming-Maraming Bansang tinatakluban ng Estados Unidos at iba pang dambuhalang kapitalistang bansa. Naaalala ko pa rin ang sakit ng haplit ng tindera at ng mga busina.

Pagdating sa mala-imbudong interseksyon, pagkatapos ng mga busina, ang matapang na panghi ng ihi ang nanuot sa aming mga ilong. Sabi ng isang lesbiyanang propesor na kasama namin kanina, "Ginigising tayong higit ng panghi, mga kasama!" at nagtawanan ang lahat. Naghiwalay ang aking mga labi para ngumiti.

Abot-tanaw namin ang Mendiola. Eyesore ang mga pulis. Ang kanilang mga panangga. Ang kanilang mga batuta. Ang kanilang malilisik na mata. Ang kanilang utak na sunud-sunuran sa dikta ng isang bogus na pamahalaan.

Sa Pilipinas ka lang makakakita, na kapag may rali, kasamang nakapakat sa bulto ang iba't ibang tindero't tindera. Mani kayo diyan. Ice cream, limang piso lang. Mineral water. Inihaw na pusit. Balut. Softdrinks. "Kasalanan n'yo kaya wala."

Napakarami pang aral na makukuha sa mga rali. Kahit araw-araw na sumama sa rali ang tao, hindi mauubos ang aral na makukuha dahil hindi pa nalulubos ang panahon at pakikibaka. Hindi pa nalulubos, gayong hindi pa rin nalalaos. At ito ang hindi matatawarang katotohanan. Babalik kami. Lulubusin ang aral. At lulubusin ang laos na pyudal na pananaw sa buhay.

Pagkatapos ng rali, halos isang oras kaming naghihintay ng masasakyan pauwi sa UP Diliman. Nasa Espanya na kami, sa tapat ng St. Thomas Square. Wala pa ang parisukat na ito noong nag-aaral pa ako sa UST. Walang masakyan. Maraming tao gayung tapos na ang rali. Sabay-sabay na naman ang uwian. Sabay-sabay na naman ang labasan ng mga mag-aaral at manggagawa at mga propesyunal. Puno ang mga kainan. Masaya na naman ang mga negosyante. Sa loob ng St. Thomas Square kami kumain. "Ansarap matulog. Anlamig," sabi ni Lanie Abad pagkapasok namin sa parisukat at pagkaupo namin sa mga metalikong upuan. Order ng murang pagkain. Order ng murang Japanese food. Anlaki ng pangalan ng Nestea. May nakalimot sa amin na dapat nga palang iboykot ang lahat ng produkot ng Nestle.

Pagkatapos lumamon, sumaglit kami nina Jonathan at Roselle sa HBC. Bumili ng mga nakaeengganyong sabon, lotion, shampoo, toothpaste at iba pang produkto ng ilusyon ng kagandahan. P52 ang pangkabuuang kailangan kong bayaran. Naalala kong nagbigay ako ng "patak" sa mga kasamang nanghihingi ng pera para makauwi sa kani-kanilang mga komunidad.

Marami pang aral sa Mendiola ang hindi nalulubos. At hinding-hindi, kailanman ay hinding-hindi, malalaos ang Mendio. Kitakits, kitakits uli sa Mendio. (O kung anumang matanaw ng ating hiraya't paa)

kelly.kili at 3:04 AM

Sunday, November 13, 2005

Damn It, I have Nothing To Say

But then again, who would think that a lower middle-class street addict would have anything erudite to say. First and foremost, what goes on in my mind right now is a free flow of imaginaries. Like how does a clock run without batteries. Or how much practice do I need to accumulate enough chakra to be a ninja like Sasuke or Shikamaru. Or is it possible to keep a journal online.

Imaginaries, really. And maybe invalid at that. So to speak. Jerrie's now swimming in a sea of dreams, while I sit here like a tired old late twentyner contemplating a week ahead. For about 30 minutes, I wrote lengthily in my new yellow journal I bought from Jeff Good. While writing, I have convinced myself that there's really not much privacy in the worldwideweb, and no one can be truly real, as far as personal scope is concerned, in blogs and other locuses of virtual existence. Anonymity, for me, is still the unbeatable, singular, real persona in the virtual world.

Thus, I am short to deciding to stop blogging my personal recluses. I will continue blogging for my political agenda, that is, the scientific socialism of Marx, Engels, Lennin, Mao and all their supporters. And yes, the personal is still and will always will be political. If you need to be reminded of that, then re-read the second to the last sentence of this paragraph.

kelly.kili at 2:01 AM

Thursday, October 13, 2005

Isabel

Nanonood ako ngayon ng pelikulang pinagbibidahan ni Kring-Kring Gonzales at ng yumaong Miguel Rodriguez. Natawa lang ako dahil ang pangalan ng tauhang ginagampanan ni Kring-Kring ay "Isabel." Hindi ko nakita kung ano ang pamagat ng pelikula.

Isabel ang pangalan ng pusang kaliko namin. Anak siya ni Cheky. Mga kapatid niya sina Kokoro, Theo, Matthew, Naruto at Saske. Hindi namin alam, at lalong hindi alam ng mga pusa, kung sino o sinu-sino ang mga ama nila.

May natatanging kakayahan si Jerrie na pangiyawin si Isabel kahit natutulog ito. Itataas lang ni Jerrie ang kanang hintuturo niya, itatapat ito malapit sa mukha ni Isabel, at sasabihin ni Jerrie: "Isabel" sa isang mabilis na paraan, ay tiyak nang ngingiyaw si Isabel kahit natutulog ito.

Ang ka-batch ni Isabel na si Theo ay nasa bahay ni Jerrie. Iniuwi na niya sa kanila nung maliit pa ito. Namimiss ko na si Theo. Ang mga sumunod naman ng batch ay sina Naruto at Saske na dinala na ni Suyin sa Cavite kasama ang inang si Cheky dahil parang Animal Farm na ni George Orwell ang nangyayari sa apartment namin sa Tandang Sora, Matandang Balara. Namimiss ko na sila, laluna si Saske.

Namimiss ko ang may katabi sa manipis na kutson dito sa apartment. Namimiss ko ang may kayakap pag gabi.

kelly.kili at 2:50 AM

Wednesday, October 12, 2005

Publikasyong Iglap ng Maikling-maikling Kuwento Hinggil sa Karahasan sa Kilusang Manggagawa

Kasalukuyan kaming naghahanap ng mga maikling-maikling maikling kuwento o dagli na tumatalakay sa lalo pang paparahas na kalagayan ng mga manggagawa sa Pilipinas. Sa partikular, naghahanap kami ng mga kuwentong tumatalakay at tumutuligsa sa brutal na pagpaslang kay Ka Fort ng unyon ng Nestle at sa iba pang mga manggagawa at kilusang manggagawang kumakaharap ng pagsasamantala ng mga kapitalista. Gayundin, naghahanap kami ng mga kuwentong tumatalakay sa patuloy na pagwelga at paglaban ng unyon at mga manggagawa ng Nestle at ng iba pang kolektibong laban ng mga unyon at manggagawa. Ito ang susunod na lalamanin ng espesyal na isyu ng Publikasyong-Iglap.

Ang Publikasyon-Iglap ang kagyat na pagtugon ng mga manunulat hinggil sa kaganapan sa ating bansa. Nauna na na nitong inilathala ang Pakikiramay (2004, pagpugay sa mga biktima ng masaker sa Hacienda Luisita) at Truth and Consequence (2005, koleksyon ng tula sa kampanyang Oust Gloria!).

Maaaring magpadala ng isang maikling-maikling kuwento kada awtor. Maximum ng tatlong pahina, doble espasyo. Ipadala kasama ang maikling bionote o writer's profile at kontak na mga numero sa mangiglap@yahoo.com at/o mangewan@gmail.com. Para sa mga katanungan, magpadala ng email kina Rolando Tolentino, Joey Baquiran at/o Mykel Andrada o di kaya'y kumontak sa 0915-4413324 at/o 0919-6384488.

Ang deadline ay sa Nobyembre 15, 2005.


kelly.kili at 3:03 AM

Friday, October 07, 2005

October, October

1.
October is the start of the semestral break in UP. But of course, like any interregnum, October doesn't totally mean sembreak. In fact, one has to wait until the third week of October to really feel free from all the academic mishaps and ennui.

2.
October means a catalogue of birthdays: Eleyn, Reagan, and Caloy among others. Today is Eleyn's birthday! :)

3.
There's a promise to write during this beer season.

4.
There's so much to do still especially that the stingy president still clings, quite rabidly, to her position.

5.
Pipol's episode today just sucks.

kelly.kili at 1:16 AM

Thursday, September 29, 2005

TATLONG BAGONG ENTRI

Antagal na ano? Kahit ako, namamangha o nagigitla pa rin.

Pero ang masaya ay ito: may bagong entri ako. Dalawang bagong tula hinggil sa pagpaslang kay Ka Fort, union president ng Nestle sa planta nito sa Laguna, at isang maikling sanaysay hinngil sa panitikang bakla at lesbiyana. Tingnan na lamang sa mga seksyong TULA at REBYU / SANAYSAY ng blog na ito.

:)

kelly.kili at 1:40 PM

Thursday, August 25, 2005

The Center: The Heart

There's just so many things to write about, so many things that need not be feigned.

For example, how happy I am right now that my tatay is okay. We got out of the Philippine Heart Center yesterday. My tatay is jovial; you can see it in his eyes and in his eagerness to take long strides. I am very thankful for my dear dear friends who visited and texted me while my tatay was in the hospital: Cynthia, Caloy, Piya, Adam, Myles, Omeng, Lisa Ito, Lisa Lesbo, Prech, MJ, Mikael, Jerrie, Dennis, Amy and everyone else that I may have forgotten. Thank you for all the support, emotionally and financially and gustatory. I pray that my tatay recovers continuously.

The laws of science are most of the time right; or lest they be mere whims or conspirators in this cosmos. For every action, there's an equivalent reaction.

Many of us are saddened by the death of Reagan's father. That's something jolting. And I want to be strong for Reagan. Hopefully, VJ, I and the others will be able to go to Calasiao, Pangasinan this Friday to pay our respects. Reagan, my friend, we're always here.

kelly.kili at 1:47 AM

Monday, August 15, 2005

Kuwentospital

Isa sa mga lugar na pinangingilagan ko ay ang ospital. Kahit na anong ospital. Kahit na anong dahilan ng pagpunta sa ospital.

Lumaki ako sa lugar na may isang malaking ospital, ang United Doctors Medical Center o UDMC sa may Esapaña, Maynila. Kilala ko ang ospital na ito, hindi ko man matandaan kung ilang beses itong nagpalit ng hitsura at ng kulay ng pintura. Pero kilala ko ang ospital na ito. Ilang beses na kasi akong pumunta rito.

Kadalasan, ang nanay ko ang kasama ko sa ospital, hindi upang siya ang dalhin doon, kundi upang maghatid kami ng isang kapamilya, kamag-anak o kaibigan o kapitbahay. Minsan, mag-isa lang akong nagdadala ng kung sino sa ospital, para magpacheck-up, para magpadoktor, magtungo sa emergency room (ER). Minsan ko nang dinala ang sarili ko doon para ipatanggal ang maliit na maliit na batong nakapuwing sa akin. Nitong taon lang, sinamahan ko ang bunso kong kapatid na si Jay-ar para ipatanggal ang nakapuwing sa kaniya.

Matapos na matanggal ang puwing sa kaniyang mata, pumunta kami ni Jay-ar sa Welcome Supermart, isa pa ring establisimiyento na kabisado't kilala ko. Parang magkapatid ang turing ko sa Welcome Supermart at sa UDMC. Binilhan ko si Jay-ar ng paborito niyang Tortillos at ng ice cream.

Noong bata ako, sinasamahan ko si Ate Carissa, ang asawa ng pinsan kong si Kuya Jojo, upang bumisita sa kaniyang doktor. Tantiya ko'y sampung taong gulang ako noon. Buntis si Ate Carissa sa panganay nilang si Aran Dominic. Kasa-kasama niya ako, at dahil na rin siguro sa usapan ng mga kamag-anak ko, nagpantasiya ako na ipinaglilihi sa akin ni Ate Carissa ang kaniyang panganay.

Minsan, binibilhan ako ng Ate Carissa ng kung ano-anong pagkain sa Welcome Supermart, kasabay ng pagbili niya ng kung anu-anong abubot at pagkain na sinabi ng doktor.

Dati naman, nung nasa hayskul ako, dinala ko sa ER ng UDMC si Mark, ang kapatid kong sumunod sa akin. Nabagsakan kasi ng hollow block ang kaniyang isang hinlalaki sa paa. Binuksan ng tatay ko ang kaniyang aluminum na alkansiya para abutan ako ng perang gagastusin sa paglilinis at iba pang gamot sa sugat ng kapatid ko. Nung mas bata pa kami, ako ang kasa-kasama ng nanay ko sa pagbabantay kay Mark nang magkaroon ito ng isang uri ng lagnat na dala ng lamok (marami kasing klase ng lagnat ang dala ng iba't ibang virus ng lamok, di ko na matandaan kung anong klase ng lagnat). Madalas akong iiwan ng nanay ko para bantayan si Mark, nanay ko kasi ang nagtatrabaho sa amin. Bakasyon rin noon. Buti't tinutulungan ako ng ibang mga bantay ng iba pang mga pasiyente sa ward na tinutuluyan ni Mark. Doon ko natutunan na epektibong pampababa ng lagnat ang malamig na tubig na hinahaluan ng alkohol. Lagi kong pinupunasan ang noo, pisngi, leeg, at buong katawan ng kapatid ko. Pagkauwi namin, masigla na uli si Mark. Naglaro kami nang naglaro. Ang isa sa mga paborito naming laro ay tuksuhan. Sabi ko sa kaniya, "Ikaw nga, ilang linggo kang hindi naligo. Hahaha!"

Sigurado akong inutusan ako ng nanay ko na bumili ng kung ano sa Welcome Supermart.

Nitong taon lang rin, sinamahan ko si Karen, ang asawa ni Mark, para dalhin sa pediatrician ang panganay nilang sanggol na si Amery dahil ilang araw nang iyak nang iyak.

Hindi kami sa Welcome Supermart pumunta, sa katabing pharmacy kami pumunta kung saan mas mura ang gatas at gamot.

Nung nasa kolehiyo na ako sa UST, ang tatay ko namang si George ang sinamahan ko sa UDMC. Dinala namin siya ng nanay ko dahil dilaw na dilaw ang kaniyang mga mata, malalim ang tingin, nangingitim ang balat-paligid ng mata, humpak ang mga pisngi, madilaw at tuyot ang labi at balat, at payat na payat na payat. Nakikita ko na nga noon ang rib cage ng tatay ko. Ang tanging malaki lang sa kaniya noon ay ang kaniyang tiyan dahi sa sobrang toma. May tuberkulosis na pala noon ang tatay ko.

Bumili kami ng nanay kong si Puring ng aluminum na plato, plastic cups, kubyertos, tisyu, pagkain, tubig at kung anu-ano sa Welcome Supermart. Nang balikan namin ang tatay ko, nakasimangot siya nang makita ang binili naming plato at plastic cups. Ayaw niya ang aluminum na plato. Para raw siyang aso. Sabi namin sa kaniya, pansamantala lang habang hindi pa kami nakakauwi para kumuha ng totoong plato, baso at kubyertos.

Matapos siyang gumaling mula sa TB, matapos ang ilang taon, sinamahan kong muli ang tatay ko sa nasabing ospital. Nagpapatingin naman siya kay Dr. Patajo para sa kaniyang puso at blood pressure. Nung una ko siyang dinala roon para magpakonsulta, may pinapapirmahan na data information sheet ang Medical Assistant. Sabi ng tatay ko, "Yung anak ko na ang magfi-fill-up. No read, no write ako e" sabay tawa ng tatay ko. Matalino't nakapag-aral naman talaga ang tatay ko, tinotopak lang siguro ng mga panahon iyon. Pinunan ko ang mga blangko ng papel.

Hindi ko na maalala kung pumunta ako sa Welcome Supermart.

Minsan naman, hindi naman siguro nagtampo ang UDMC, sa UST kami pumunta. Una, para ako ang magpacheck-up dahil malala ang lagnat at mga pantal ko. Ikalawa, nang doon ma-confine ang Kuya Rodel ko dahil nabali ang tulay ng kaniyang ilong. Sa UST pa ako nag-aaral noon ng BS Biology. Sa private room ng kuya ko sa UST Hospital ang temporaryong naging tahanan namin. Doon na ako naliligo at nagbibihis para pumasok sa klase. Doon na rin ako umuuwi. Ang tatay ko ang nagbantay noon sa Kuya ko talaga, habang abala kaming magkakapatid na pumasok sa klase, at habang abala ang nanay ko sa pagiging accountant at paghahanap ng pambayad. Minsan pa nga, pinabili ako ng tatay ko ng komiks at diyaryo para raw may mapaglibangan siya. Sa Gov. Forbes gate ng UST, sa tapat ng alma mater kong Dominican School (grade school), maraming ambulant na maliliit na tindahan. Doon ako bumili ng mga komiks. Ang isang komiks na natatandaan ko ay may pabalat na tatlong sirenang kinokopa ng mga palad nila ang kanilang mga suso. Tapos may nakasulat sa pabalat na "Breast Stroke."

Ngayong dito na ako sa Tandang Sora tumutuloy, sa isang inuupahang apartment, madalang na akong umuwi sa Welcome, Rotonda. Madalang ko nang mabisita ang UDMC at Welcome Supermart. Pero kahapon, kagabi, natagpuan ko na naman ang sarili ko sa mga lugar na iyon.

Dinala ang tatay ko kahapon ng umaga, mga alas-diyes, sa UDMC dahil nang umagang iyon, nanlaki ang mata ng tatay ko, nanigas ang buong katawan at hindi makagalaw. Sa kuwento ng nanay ko, ilang araw na palang matamlay ang tatay ko. Sabi ko pa sa nanay ko nung isang gabing nag-usap kami sa telepono, "Sabihin mo sa kaniya, tigilan na kasi ang kakainom." Kahapon, mga ala-una ng hapon, tumawag ako sa bahay at si Jay-ar ang nakausap ko. Biro ko pa kay Jay-ar, "O! May motor (siklo) ka na raw! E di masaya ka na." Nang tinanong ko kung nasaan ang nanay namin, sabi ni Jay-ar, "Ay! Di mo ba alam? Dinala sa UDMC si Daddy."

Nagpakuwento ako kay Jay-ar. Tinext at tinawagan ko ang nanay ko sa cellphone. Ikinuwento niya nang bahagya ang nangyari. Inadmit ang tatay ko sa ICU dahil sa nakitang resulta ng ECG. Matapos kong makausap ang nanay ko, natulog ako. Mga alas-tres ng hapon kahapon ay nagising ako, nagsimulang isulat ang midterm eksam ng mga klase ko sa UP, nang maramdaman kong nag-aalburuto ang tiyan ko, pumunta ako sa banyo at umupo sa trono, pagkatapos, kumuha ako ng tuwalya, brief at damit, naligo, nagyosi, pinatay ang laptop ko, tinawag si Eleyn, ginising si Jerrie, at nagpaalam na pupunta ako sa UDMC para bisitahin ang tatay ko. Kahit na anong pilit ko na huwag isipin at huwag pag-alalahanin ang sarili ko, hindi kaya ng dibdib ko.

Nag-load ako ng P25, sumakay ng FX, nagbayad ng P20 para sa biyaheng Tandang Sora papuntang Welcome Rotonda, tinext ko si Cynthia para mangutang ng P150 na load, tinext ko si Jay-ar at ang nanay ko na pupunta ako sa UDMC, bumaba ako sa tapat ng Burger King sa may Welcome, tumawid sa kabila, tumawid papunta sa kalyeng pumapagitna sa Welcome Supermart at UDMC. Nilampasan ko ang dalawang guwardiya sa bukana ng pinto ng UDMC main entrance, umakyat sa ikalawang palapag papunta sa ICU. Pagkarating ko pa lang sa may Waiting Area ng ICU, may narinig akong babaeng humahagulgol mula sa ICU. Nakita ko ang kapatid kong si Jay-ar na nakataas ang mga paa sa katapat na upuan ng inuupuan niya sa Waiting Area. Tinabihan ko siya. Nakipagkuwentuhan. Tapos niyaya ko siyang pumunta sa ICU. Andaming tao sa bukana ng pinto, sumilip ako sa kabilang pinto, bumalik kami ng kapatid ko sa Waiting Area. Matapos ang ilang minuto, nagpaalam si Jay-ar na uuwi na muna. Dala niya ang kaniyang motor. Sabi ng nanay ko nang mag-usap kami sa selepono, nagamit naman nila ang motor ni Jay-ar para ihatid-sundo siya. Napangiti naman ako.

Nang umuwi na si Jay-ar, pumunta uli ako sa ICU habang hinihintay ang nanay ko. Pinagsuot ako ng hospital gown, nadaanan ko ang iniiyakan ng mga bisita, pinuntahan ko ang tatay ko, nakahiga. Pagpunta ko sa kaniya, sabi ko, "Kamusta ka na?" habang hinimas ko ang kaniyang noo. Ngumiti ang tatay ko, sabay sabing "Okay lang." Tapos tinanong ng tatay ko, "Asan ang Mommy mo?" "Parating pa lang, sabi ko. Nasa bahay pa, kausap ata si Kuya Rodel." Paglingon ko, palapit na sa amin ang nanay ko, may dalang malaking light blue na shoulder bag.

Dumating rin ang Tito Rudy ko, ang asawa ng kapatid ng tatay kong si Tita Evelyn na nagdiwang nang araw na iyon ng kaarawan niya. Sa text sa nanay ko ng pinsan kong si Ate Suzette o Chai, ipinabasa ng nanay ko sa akin nang palihim, "Parating dyan si Papa (Tito Rudy). Siya lng mkkpunta. Tumaas bp nina mama (Tita Evelyn) at lola (Mameng)." Nag-abot ng P2,000 ang Tito Rudy ko matapos makipagkuwentuhan sa amin. Nauna na siyang umalis.

Mga 7:30pm, nagpaalam na ako sa tatay ko. Sabi ko sa kaniya, "Daddy, alis na ako." "May klase ka bukas?" tanong niya sa akin. "Oo. Magpagaling ka." Pagkasabi ko nito, hinalikan ko sa noo ang tatay ko, isang akto na matagal ko nang hindi ginagawa. Nung nasa kolehiyo ako sa UST, humahalik ako sa pisngi ng tatay ko kapag umaalis ako. Iyon ang tanging panahon na hinahagkan ko ang mga pisngi o noo ng tatay ko. Kagabi ko lang siya uli hinalikan sa noo.

Kumain kami ng nanay ko sa KFC sa tabi ng Welcome Supermart, matapos akong bumili ng dalawang kaha ng Winston Lights na fliptop (doon kasi pinakamura, P19.75 lang). Habang bumibili ng yosi, naalala ko ang bilin ko sa tatay ko, "Wag ka na kasing uminom e!", na tuwing sinasabi ko sa kaniya ay pabiro para di siya magalit o maasar. Bumili ako ng dalawang malaking bote ng mineral water at ng isang supot ng Skyflakes, pinabili ng tatay ko. Habang kumakain, nagkuwento ang nanay ko. Kinabahan raw siya. Hindi ko ipinakita na kinabahan rin ako. Sa mga panahong tulad nito, at tulad nang marami pang kagilagilalas na sitwasyon sa pamilya namin, mayroong dapat tumindig na malakas at masasandigan. Alam ko namang alam ng nanay ko na nagpapakatatag lang ako para sa aming lahat.

Tapos, nagkuwentuhan kami ng nanay ko tungkol sa mga bagay na lagi rin naman naming pinag-uusapan pero may mga iwang. Tulad nang "Sabi ng Daddy mo nung tinatanong siya ng doktor kung umiinom raw ba siya ng alak, sabi niya, oo, konti lang. Nung tinanong ng doktor kung ilan, sabi ng Daddy mo, sa isang linggo, mga anim na raw. E anim na bote sa isang araw yun e," tapos tawa kami nang tawa. Kuwento pa ng nanay ko: "Sabi ni Jay-ar nung isang gabi, 'Mommy, di ako makapaniwalang may motor na ako. Para pa rin akong nananaginip," ngiti kami nang ngiti. "Hindi masarap ang burger dito sa KFC," sabi ng nanay ko. Hindi ko lang naikuwento sa nanay ko ang tungkol sa mga genetically modified na manok ng KFC pati yung animal rights violation ng KFC sa mga manok nila. Ikinuwento rin ng nanay ko na nakausap na niya ang kuya ko na bumibisita sa mga kamag-anak namin na nasa ibang bansa. Sabi ko, "Sana magpadala siya ng pera." Pinapangambahan namin ng nanay ko ang gastos ngayon sa ospital. Hindi kasya ang suweldo ko at suweldo niya.

Umuwi ako ngayon dito sa Tandang Sora para ituloy ang paggawa ng midterm exam ng mga estudyante ko. Pero hindi ko magawa. Hindi ko matapos. Mag-isa ako dito sa baba, nag-iinternet, tinext ko kanina ang nanay ko, kagigising lang raw niya, buti't kasama niya si Ate Fhe sa waiting area (bawal kasi sa ICU ang bantay, puwera na lang kung visiting hours).

Kausap ko si Cynthia kanina. Sana dumating na si Jerrie. Sana makatulog ako kahit saglit. Maaga pa ang pasok ko bukas. 8:30nu. Maghahanap pa ako ng pera. Magkaklase pa ako. Gagawin ko pa ang minutes ng department meeting na hindi ko naman nadaluhan. Buti't nakausap ko si Cynthia.

kelly.kili at 1:45 AM

Wednesday, August 10, 2005

Weighing and Outweighing

1. I'm checking my PP12 students' "Manual de Barbaridad" via Friendster. I have instructed them at the beginning of this semester to send assignments and papers online, via Friendster, because it is mostly accesible and I am able to easily check and comment lengthily on their papers. So far, technical problems that we've encountered are reparable and manageable.
2. The assignment that I gave them was to make a subversive version of various manual de urbanidads or manual of conduct on urbanity first introduced by the Spanish colonizers. There were a lot of creative and innovative papers, like a manual on how to barbarically cook sinigang, the national cuisine of the Philippines, according to Doreen Fernandez. There's also a version of the Roman Catholic's Decalogue. Next time, I'll post a sampler.
3. I am making small noises out of my crackling joints. They give me some sort of relief.
4. I haven't gone to Akdang_Bayan office to sort, collate, bind and cut my manuscript.
5. Three weeks ago, I found out that a friend closed her blog. A good six months ago, I also found out that a co-teacher of mine hanged the closed sign on his blog's frontdoor. Who's next? Might as well be me. Or maybe not. Yet.

kelly.kili at 2:38 AM

Tuesday, August 09, 2005

Kimbash

Witelch akez jumosok sa skuler kaninetch. Mala-mala tamadelya aketch, mala-mala sakitch, mala-mala jubo, mala-mala jipon.

Ngayonchi, watchi akechi correspondentchi. Balyenachi itich Abnerchi Mercadochi.

Imbey akez. Wit pa rin aketch jinojontok. Bet ko nang bumorlog but wit pa dapuanchi ng sleepangers. Haychi.

Anetch na ang moda ng produksyon!

kelly.kili at 12:54 AM

Monday, August 08, 2005

Piya's Motel

I went to Piya's house kanina. I went with Caloi. I bought and brought tsitsirya for the pips. Marla wasn't around. Myles was there. Of course, Piya.

Tinatamad akez mag-blog ngayon. Was ako ma-say. Jontok na ako ng slight. Wengwang ever. Alas otso y trenta pa ang pasok kez sa skulangba vukas, este mamayantsi. Joskrez, kalowka. Dahil sa lemon juice ni Piya, parang nawala ang ubo't sipon kez. Winnerlu!

Mega-kodakan kami kaninentsi sa balaysung ni Piyantsubelles! Winnerlu ang xeroxan mode, keme-keme, xerox picturalka sa mga jaryonets, gaya-gaya-puto-mayantsi ever galore!

Winnerlu ang kwartsinga ni Piyantsu! Motelishtiko ang arrive.

Gora na akez. Sleepangga na, anez!

kelly.kili at 3:16 AM

Sunday, July 31, 2005

Ang Anarkista sa Pelikula, Panitikan, Akademiya, Buhay, Pulitika at Seks

Dear Mykel,

Yesternight, I made panood this Korean film with pamagat na "Lovers' Concerto." Over sa kalungkutan ang felekula ito. Winner naman sa sinematograpiya. At beautiful rin ang subtitles kaya okay na okay talaga, as in! My tear ducts really swelled. Or is it just that I am a basket full of rotten tomatoes, lately. I would agree with you, my cynical reader, you who place me atop your hate list.

So after the iyak-iyak portion, I ate tinapay na pinalaman ng makapal na Magnolia butter. Sover (super na, over pa) sa sarap talaga. It melts in your mouth talaga. Winner sa panalo!

And then last gabi rin, I made laro with the kittens, Naruto and (i forgot the name e), with the cats, Kokoro, Cheky and Isabel. I tried to make hintay for Jerrie to come home here in Tandang Sora, pero he went straight ahead to his house near Sto. Domingo Church to belatedly celebrate his birthday with his familia.

And so, I wasn't really able to sleep yesternight (or early Sunday madaling morning), so I started reading again Michel Foucault's Discipline and Punish: The Birth of the Prison. Books, when read twice or more, really make more sense. Naisip ko si Donato Continente.

* * *

Gabi na kami natapos kagabi (Saberday) sa meeting sa bahay ni Ariel para sa akdang_bayan stuff. Ang tiny-tiny ng group kahapon: ako, Abet, Reuel, Wena, Noni at Ariel (na lagi pang aligaga dahil sa dami ng work atbp). Nagtagal kami hanggang 10pm. I didn't drink, as promised, pero I made kain isaw. Hahahaha.

Tapos ko na yung book manuscript at pati corrections for the libro, pero may ichechange pa dun sa isang film comics para sa CD, at iiincorporate pa sa book itself yung comics version ng Paolo Matalo story ko by Adamnation. Parang naisip ko, dahil rin siguro sa sinabi sa akin ni Roland Tolentino, isa sa pinakagagalang kong academician, na ang publikasyong ito ay isa lamang vanity publication. Oo nga naman. Ito yung mga katotohanang tinatawag na "Fatale Facto." Sa totoo lang, gusto ko muna atang wag magpapublish nito; di pa talaga ako handa. I have too many things in my hands, and too too too many many many maraming bagay out of my hands and league and joints and head and shet, pakshet.

* * *

Now, I found this www.blogclub.blogdrive that features bloggers, thrice a week. You need to make sagot their format and questions, medyo natawa lang ako dun sa concept kasi ito siguro yung tinatawag talagang vanity publication. Pero sa tingin ko, yung blog naman talaga ay nagiging site rin ng vanity publication. Sa tingin ko, ang pinakasincere na blogger ay si Carlos M. Piocos III. Tingnan n'yo. Walang tsetseburetse. Pure emotions, mind, at higit sa lahat, HINDI ANARKISTA.

Andaming anarkistang bloggers, di naman talaga alam kung ano ang gustong sabihin; pa-impress; pa-anti-establishment. Kunwari anti-establishment, ang hindi nila alam, nagiging disservice sila even to anarchism, at nagiging kiss-ass ng establishment. Iyon ang mahirap kapag di-makabasag-pinggan-walang-masamang-tinapay-effectsina ang epek pero nagkoconjugate lang naman talaga ng reflexive barrier.

Positioning safely the grand arse, ergo, blindly depricating the value of continued study and intellectual ferment. In short, ANTI-INTELEKTWAL, tulad ng titser kong doktora sa CSWCD.

Magbasa. Mag-analisa. Maging arogante paminsan-minsan. Magtanong. Magmataas paminsan-minsan, para maramdaman ang lakas at impak ng lagapak. Dun naman natututo ang tao. Ang pinaka-humbling sa lahat ng humbling experience.

O sige na. Natatae na talaga ako.

To quip Fudge:

Nagmamahal-napopoot,
Ang Anarkista at Anti-Intelektwal Mong Katukayo

kelly.kili at 11:26 PM

Tuesday, July 26, 2005

Defecating

Of course you don't have to read this, invited or otherwise.

Last time I felt like puking was when our department chair literally lied to all of us about U Eliserio's ranking. Now, I feel like puking again because I have been reminded of the times when defecating is like urinating.

For the third time today, I went to the john to release what's left of the unclean in my intestines. Though I am not sure I have fully deposited the dirty deeds in my guts, I have seen through my defecating how it must be for a woman urinating. And for a time there, defecating was different; the feel of it; liquid gushing out of my recto-anal.

Now, now, now. I hope you're eating while reading this. I am nasty; and you are just my reader, invited or otherwise, hahaha.

Anyway, the cats and the noisy kittens woke me up. I was in a shallow slumber three hours ago. But the caterwauling of the cats snoozed me up. Good morning. Today is Jerrie's birthday. I will wait for him to get home from work.

kelly.kili at 11:56 PM

Strategies of Survival

The alternative State of the Nation Address (SONA) held along Commonwealth, in front of Ever Gotesco, is an annual declaration of political awareness. Yesterday, Jerrie and I communed with around 80,000 other protesters to indict President Arroyo's continued arrogance and irresponsible leadership.

After being toasted by the afternoon heat, Jerrie and I went home; I with an aching head. While cooking tuna flakes for dinner, to make sure Jerrie goes to work with a gustatory fill, I felt my sentidos throbbing not to a disco tune but to a sad ballad -- the scorching heat of the afternoon awakened my blood to go to the stratosphere. In simpler terms, hypertension. In much simpler terms, high blood.

So after a spaced-out meal, I let my body be held by our humble mattress, folded my arms to embrace a pillow, and let myself be lulled to sleep by television noise. After two hours, I woke up to a sala full of noisy rampaging cats and kittens. I ate the leftover tuna flakes, washed the dishes, readied "Orange," the DVD player, turned on the television set, and fed Orange the last disc of Nip / Tuck's Season Two. I started 12mn and ended just a couple of minutes ago.

The last two episodes shot me point blank, with matter unfolding like a goddamn Tuesday morning -- with the President still on her seat, with her arrogant twitch for a charter change, with back aches, with a longing for those two familiar small but strong hands to caress and ease my muscles of their pain. The last two episodes reminded me so much of films and books I've read about the rudiments of AIDS, about the constant groping and gawking for the truth about beauty, about the artificiality of beauty and sexuality in this age of mechanical (re)production. Everything is not be taken lightly.

For one, there's this interesting character in Nip / Tuck -- Ava Moore. She's one hot momma, with tits unsagging, hips gyrating, and lips that curve like the Quezon City Circle, if you know what I mean. Ava's 35 years old, in a relationship with Matt, 17 years old, son of Julia McNamara and Christian Troy, but grew knowing that his father was Matt McNamara -- but all because of Ava, the mystery and secret revealed like a hot day in July 2005. What's more interesting is that Ava is not really biologically female.

She was medically altered by her ex-husband, upon Ava's request and conquest for the doctor's genuine love -- to be a "real" woman. And so the story goes and ends, with me having to really question the intention of the series about the transgender community. It wasn't clear if Ava was asked to leave the city, to break up with Matt, because she's a threat to Matt's better future or because she's a transgender. The latter was more evident in the series. And it pains me to realize this, because it tends not to condone and accept transgenders but to stereotype them as heartless, selfish pricks.

But as Ava strongly pointed out to Julia: "I am a woman. I don't care what these papers say." Julia flashed Ava's medical records revealing her "true" identity.

Of course, in this world, what is true is always a discourse of relativity.

kelly.kili at 2:01 AM

Monday, July 25, 2005

It Goes Without Saying

That I am into Nip / Tuck. I am two episodes away to finishing the second season. I am bound to go to Quiapo to get the third season.

That I am an obvious scatter-brain these days, failing to accomplish immediate matters, being coiled and recoiled in the ennui of department work, underweighing more important things than having a sandwich envelope a slice of Magnolia butter, retracting to a void self-induced fascism, and underestemating the power of positivity.

Much as I want to be positive these days, even a sign of hope is hard to grasp. Neither a glitter, not even a frisky swig, or a light tap on the window, or even a drizzle. Every bit of hope seem to have gone with the vanishing of silver linings. Am I too pessimistic?

My own question is a variation from my own cataloguing of personal and political disasters. There's too much pressure, self-inflicted or otherwise, too much to handle for me these days. I just want to sulk, fatten myself with artificial food, grow molds on an old shirt, culture bacteria as a co-habitus/habiti in a god-forsaken, midget-driven (sorry for being politically incorrect with the use of "midget"), sordid country. This is sadder than the sad and detached writing of My Sad Republic.

I am just too young and too old at the same time.

It goes without saying that I need a break.

Gotta park. My eyes are weak. And they're souls aren't even willing.

And of course, there's tons of work tomorrow. The midget's SONA is atop the list. Then booze in the evening.

kelly.kili at 4:46 AM

Saturday, July 23, 2005

Too Much To Tell

I know you are reading this. You know who you are.

kelly.kili at 3:09 AM

Thursday, July 21, 2005

2 BAGONG 2LA

Mayroon akong dalawang bagong tula tungkol kay Gloria Macapagal-Arroyo. Kung interesado ka, i-click ang TULA butones.

kelly.kili at 11:58 PM

On Being A Teacher; On Being Sick and Tired and Tried

It best describes how I'm feeling: "Sick and Tired." There's no need to argue with me why the "s" and the "t" are capitalized because they are much more than just adjectives; they are emotions personified.

I have perennially been dealing with tonsilitis and influenza. These are the two known diseases that biannually remind me that I am a chain-smoker and a stupid perpetuator of bodily hubris (aka sadomasochistic fatigue). Since Friday last week, I wasn't able to hold classes, stand in front of class, and facilitate discussions or whatever's in store for this overtly excruciating and monotonous life of teaching. Add that my loss of vigor for continuing with my thesis. I am a certified pessimist nowadays.

And I have let things snake their way in my mind's alleys: To teach is more than just a jostle to the brain; or a wanting to impart knowledge or know-hows or whatever it is you want to call this means of economic production. For some, it is a calling, an alternative to a consumerist or capitalist-induced job, a reason to wake up everyday, a therapeutic recourse, a socio-psychological groping for an undisputably existential hunger, a gustatory want or desire, and most of all, or most of all, an altruistic rendition of human and humanitarian epiphany. But in all these aspects, there is a truck-load of shit hovering over one's head.

There is no need to argue that teaching is a formal relationship between teachers and students. In fact, this educational structure relies basically on the fundaments of tradition and parochial politics. Tradition because historically, education has been perceived as a tool for "enlightening" the young by the old and the leader. It seems to be trailing the track of passive learning while the old and the respected "actively" tutor their students and hedonistically impart in what are and what aren't true, good and beautiful. This same tradition lives side by side with an elderly's (teacher's) parochial politics -- from egotism and self-centered agitation to that mammoth term for love of self and people: nativism.

Of course, like anything and anyone in an "unevenly developed society," pedagogy (the theory of learning and the practice of teaching) is heterogeneous. While of course, there is the fact that the state or the government maintains its own hegemonic pedagogical methods to inculcate in our students a neo-colonial and neo-liberal education these days.

So, the task of teaching is more than just a worrying of whether students actually "dig" what the teacher shares or explains. It is more than just squeezing for juvenile happiness; of connecting with the young and of healthily expressing what the teacher has learned when s/he was still a student. It is more than just smiling at the end of the day knowing that a heart or two has understood a lesson, or when students participate actively in a popular culture discussion or a creative writing exercise. Because the metathesis of these all is that a student is a person and a person is a political animal.

Even Aristotle and Plato have discoursed, in their own time and own terminology, that a student is as political as his/her mentor/teacher/lecturer. The whole grand narrative of epistemology lies in a student's utterance of his/her own political belief -- and how the student -- and the teacher -- interpellate each one's political discourse. From the selection of names, the formation of subjectivies such as wants, dislikes and favorites. From the choice of food to the choice of language utilized. From the selected readings to the teaching styles and activities employed such as blogging, library work, group activities, field trips -- everything is both on a linear and a vertical plane, waiting for a three-dimensional understanding.

Because teaching is more than just a dialogue of sorts. It is dialogic and discriminating. How to discern these is a teacher's task -- the bleeding and the scarring of the superego -- the self-flagellation of the ego.

Having said this, I rest my case in an undaunted fashion. Fuck you narcissists, self-preserving, self-gratifying juvenile teachers whose only concerns are to be published, to get an ego boost, to go up the corporate-academic ladder. Fuck you MA and PhD holders who've gotten their graduate and post-graduate degrees because of nepotism and parochialim. Fuck you teachers who don't have the humility to accept your own faults. Fuck you teachers who don't actively engage in real needs of society, who choose to be silent, who go with the flow, who pretend to be progressive. Fuck you slave drivers! Fuck you sick men and women who suck out of the young their energies and abilities and use them for their own Machiavellian needs.

But most of all, thank you to all of you who have made stronger and more-willed teachers. Because of your sheer arrogance and demented politics, a young teacher or two have grown weary, angsty, sad, mad, and most of all, enlightened.

kelly.kili at 5:18 PM

Monday, July 18, 2005

Nipple Tuck

Of course, obviously, without a doubt, yes, yeseree, I, I, I am punning Nip / Tuck. Well, not exactly punning, but more of awing. How, crudely beautiful this series is. I am not quite sure, at first, if this is the right and proper season to watch nowadays, especially that I'm in a perennial condition of tonsilitis and trangkaso relapses. It's almost three weeks of Mykel's garbled hushed harshed voice, red red red tonsils, bitter bitter bitter taste, gooey gooey goofy phelgm, blotched veins, swollen but dry nostrils, and all that threat of rain and cold to an otherwise hot hot hot fatigued body.

I am not going to class tomorrow. The flesh and the body are weak and unwilling. I am sick of being sick. But I love staying in the comfort of this makeshift home in Matandang Balara.

But Nip / Tuck me, please, please, Julian McMahon!

It's 1:33am, and it's raining. Caloi is here, doing his completion papers. While I am finishing some stories and checking online papers submitted by my students via Friendster. The cold air is beginning to seep through my big veins.

I lost weight, and I am soooo glad about it. Not that I am one hell of a snowman or anything. I am just conscious nowadays that people oggle at me like I have grown bigger in three seconds or less.


* * *

I received an email from Jayson Fajardo as a reply to my open-ended story about Mang Romy ("Paolo Matalo"). He said that Mang Romy was kicked-out of the Collegian office by that insane piece of a matchstick and match-shit Juan Paolo Colet, whose benign corrupt sickness has soiled the funds of the College of Social Sciences and Philosophy's official student publication Sinag. By sheer pandaraya, Colet got the position of Editor-in-Chief of the now apathetic Philippine Collegian. And word has it that Colet is the only one authorized to handle the financial account of the Collegian. Who knows what he's doing with the Collegian's money. Here's more: he's annexing the publication's fund through an underground coursing with this particular institution. He's full of shit! Mang Romy is the nicest crank of an old demented man that I have ever known. He's honest and unimaginably kind. Read my story, if you must!


* * *

My Lola Julia died last Friday, around 2:30pm. I don't know if it was coincidence, but it has happened to me twice. First, when I was still EIC of Kalasag, I went to the Accounting Office to ask how much money the college paper has. The first thing that met me was the empty table of the Chief Accountant, and a new table by a relatively cute moreno -- the new and young chief accountant. The former chief accountant died. We were looking for the Kalasag's financial file, but since the death of the chief accountant was untimely, he wasn't able to turn things over in a more systematic fashion. The woman who was helping me find the account said: "Sir, ipakita mo naman sa amin kung nasaan yung diskette! Sige na, Sir." After a few minutes, I smelled the scent of flowers. I looked in the expanse of the accounting office but found not even a petal of a flower. I did not say a word, for fear of being misjudged. But then the woman who was escorting me said in a high tone, "Amoy bulaklak!" We all agreed to her tense shrieking. Then, a few seconds went by, we found the diskette.

Last Thursday, around 11:30am, after my last class in the CAL New Building, I went to the Faculty Center to unload some crap. To go to the Department of Filipino and Philippine Literature, I have to go to the Back Entrance of the Faculty Center. The moment I set foot on the back entrance, I smelled the strong pungent smell of flowers. I immediately looked in different directions to nit-pick where the smell was coming from. But there were no flowers.

I shrugged my shoulders.

Then I went upstairs, second floor, entered the Filipino Department and upon entering, again, the strong beautiful smell invaded my nostrils. I asked, "Amoy bulaklak. Asan ang mga bulaklak?" Ate Susan said, "Uy Mykel, ano ka ba? Di naman amoy bulaklak!" To which I retorted: "Ate Susan, ang lakas-lakas ng amoy o! Asan ba yung mga bulaklak?" Sir Jovy said, "Walang amoy. Baka naman may nagpaparamdam. Baka may ipinapaalala sa yo. May nakalimutan ka ba?"

Last Saturday, my mom texted me that Lola Julia died.

I hear Paula Cole singing: Where have all the cowboys gone? -- a traditional and quintessential question adapted from the poem "Where have all the flowers gone?"


* * *


I don't wanna end with a sad note. So, I'd like to end with a happy note:

Be happy! :)

kelly.kili at 1:27 AM

Thursday, July 14, 2005

2 Kwen2

By the way, I have two new stories:
1. Paolo Matalo
2. Unang Lunes ng Mayo, Taong 1997

If you have time, click on the KUWENTO tag.

kelly.kili at 12:39 AM

Wednesday, July 13, 2005

Gwen / Garci

I just turned off the television, turned on my laptop, and connected to this virtual landscape. After hearing Lito Camo perform -- as an introductory song to Yes Yes Show! Lakas! -- his new song "Hello! Garci!," I smiled, awed and despaired. Why? Because he did it, again. Lito Camo did it, again.

Last year, I think, I wanted to make a song out of the street song "Bulaklak," but Lito Camo paced faster, and made that song for the Viva Hot Babes. Now, this "Hello! Garci!" song where he used the Gloriagate tape conversation of PGMA and Garci, punning, of course, and referring to Viva Hot Babes hottie Gwen Garci. Such a brilliant, brilliant man. I intended to make a poem using Gwen Garci as pun to the Garci tapes. But, hey, hey, hey, Lito Camo did it, again.

I am not surprised though. I shouldn't be. I shouldn't even be sour here, but he did it, again. So, that's for starters. Now, let me go to another Gwen -- Stefani this time. Last Sunday, I went to Quiapo to fish out from a sea of pirated DVDs some artsy-fartsy and Korean films. But the rain stopped me. So I turned my head to pirated audio CDs. I bought four titles: The Hotdog's "Greatest Hits," Rey Valera's "Maging Sino Ka Man," Green Day's "Warning + Greatest Hits," and Gwen Stefani's "Love Angel Music Baby."

Among the 13 tracks of Stefani's solo album, I like best the song "Rich Girl," not because I would want to be one, but I like the intro part which goes "Nananananana, nananana, nananana, nanana, nanana, nana..." It reminds me of blister and sores -- NANA -- that creamy fluid like condensed milk or condensada.

Anyway, I stayed inside our apartment in Tandang Sora the whole fucking day. I tried to go out but my flesh was / is so weak. My throat was dry and aching, and my temperature rose, just like when I watch Sean Cody's porn presentations (especially that of Diego and of Clay), and just like when I have sex, of course. So much about this stingy stuff.

Back to Garci. The Congress motioned to subpoena Garci. The atmosphere in the said congressional hearing is so painstakingly long and absurd, with all those tight solons selfishly deciding on the faith of the Filipino people. At the forefront of this strenuous occasion, PGMA revels in the lie that everything's fine, even if her morality and political leadership are tarnished, so to speak. I watched, with the large head of guilt rearing, how people from various sectors and political sides amassed in Ayala. I envy them, and I am guilt-stricken, because I wasn't able to participate in the said mass mobilization because of this trangkaso.

But of course, there will be more mass mobilizations, especially that PGMA badly clings to her position and perennially annoys me and others by her sheer Tupperware-ness (read: plastic!). And how I so want to throw my ashtray at Mike Defensor speaking on national television, defending her beloved but begrudged Arroyo. To puke on him would not be a crime. And to kill him, of course, would be ridding the world of an evil henchman. Mike Defensor is one of the crudest and most nihilistic trapos (traditional politican) in the Philippine political arena.

CONTEND will be coming up with a publikasyong-iglap of poetry on the PGMA ouster. Submit your poems to manlabusaw@yahoo.com and/or mjbarrio@pldt.dsl.net. Deadline is on July 18. 2005, of course.

kelly.kili at 11:09 PM

One Way or Another

I'm watching ElimiDATE as I find some sorta solace here in cyberdom. No fresh air needed. No tickets required. No regrets dismissed. Everything at the tips of fingers, waiting to be encoded.

Suyin, Eleyn and I watched Rockstar: INXS. This is a new reality program shown over Star World, where the resurfacing band INXS is given a chance to choose from among 15 hopefuls who will be their band's vocalist. The original vocalist killed himself.

Anyway, I am really glad that they kicked out Dana. The first to be given a homebound ticket. Dana is too scheming. I just don't like her guts. I like J.D. Fortune and Daphna. J.D.'s a hottie, while Daphna sang one of my favorite songs, Blondie's "One Way or Another," which, incidentally Veronica Mars performed in an episode of Veronica Mars over ETC two weeks ago. I immediately downloaded the whole song via Kazaa and was informed that it was used in the movie Coyote Ugly. I haven't watched that one yet.

I'm trying to check via Friendster my students' papers and assignments. But my eyes are seeing quadruple (hyperbole, need I remind you). I just want to end this blog by saying to President GMA that:

"ONE WAY OR ANOTHER; WE'RE GONNA FIND YOU. WE'RE GONNA GETCHA GETCHA GETCHA!"

kelly.kili at 1:17 AM

Monday, July 11, 2005

Concocting Conundrums

It's Monday again. In a few hours, I'll have to wake up (if I ever get the chance to sleep at all), take a bath, smoke a Winston Lights while defecating, hurry soaping myself while contemplating on how to lose weight, pick a shirt that I've not "outgrown" yet, and squeeze my butt in a 32-inch waistline pants. After that, I would kiss Jerrie goodmorning and goodbye for now and see you later, baby.

And while waiting for a ride, I would, in my mind, reiterate that "It's Monday again." I'm going to count the days again. I'll look forward to a work-free Wednesday. I'll think of excuses not to attend Wednesday meetings. Then a tricycle or a jeepney will arrive. I'll have to slip my left hand inside my pant's left pocket to procure fare. A tricycle ride is much more practical. It only costs P5.00, and the ride is faster. While a jeepney ride is boring, very slow, and costs P7.50. Thanks to Gloria and her lack of political will to get rid of oligopoly in the Philippines.

While on the 15-30-minute ride bound for UP, which on untrafficked days is only 5-8 minutes, thoughts will swim in my mind's pool: (1) Am I prepared to teach today?, (2) Goddamnit, my metabolism is slower now that I'm freaking 27 years young, (3) Season 5 of Queer as Folk, please flood Quiapo, please, (4) Why is this cute guy looking at what's between my legs, (5) The Mustard Nursery school along Tandang Sora is having a new make-up, (6) We have to find a larger apartment, (7) I hope Jerrie goes back to school next semester, (8) Gloria Arroyo is a linta, I will use a magnifying glass to kill her, (9) I have to visit my nephrologist-urologist, (10), (11), (12), (13), (14), (15), (16) I hope I don't have a Border Personality Disorder like Susanna Kaynes...

(17)

Okay class, our lesson for today is... Goodbye. See you next meeting. Study harder. Don't push yourselves against the wall. Never pin down an innocent. Gloria is a liar. She's a makeshift waterbed, with holes and all, and we are in a deluge of sorts. We shouldn't be drowning with her.

kelly.kili at 12:34 AM

Wednesday, July 06, 2005

Donato Continente

I still remember him. And I am happy for him.Six years ago, I visited this man, Donato Continente. Fellow writers and editors of the Philippine Collegian interviewed him. It was my first time to go inside the Muntinlupa Jail, or inside any jail for that matter. He was wearing an orange shirt, meaning he's on maximum security. And activists and human rights advocates made a version of this orange shirt, retaining the same "P" at the back of the shirt which means "Prisoner," but adding "Free All Political Prisoners" at the front of the shirt.

Unknown to many, Kuya Donat was a staff member of the Philippine Collegian in 1989. He served 14 years in prison for a crime he did not commit. He was the alleged assasin of U.S. Col. James Rowe. If I'm not mistaken, he's been recommended twice for Presidential pardon, but the U.S. White House blocked these moves.

That day in 1999 when we went to visit him, the air was unusually hot. But when we got to the prison, the walls were cold, but Kuya Donat was hot like the sun, cheerful and his smile was soft, subtle but honestly happy and hopeful. He told us how his life was in prison. He said that he'd been organizing co-convicts inside the prison cells. They talked about the ails of Philippine society and how systemic the crisis is in the country and all over the world.I will never forget what he told us. That even if he's in prison, he's not gloomy, because that prison is just a miniature prison of a bigger prison we're all living in.

I am happy for him. Much happier now that he'll be able to continue his political struggles with all of us. He may not remember me or recognize me, but it doesn't matter. In this political struggle, faces and names become one, become sublimed and subversive.

FREE ALL POLITICAL PRISONERS!

kelly.kili at 2:14 AM

Piya's Sketches of Me

I am both happy and terribly indebted to Piya Constantino for these sketches. The first is her birthday gift to me. And the second is just a plain sketch of a typically dishevelled Mykel. I visited her flick account a few minutes ago and discovered these drawings.

Here's a shameless photoblogging:


1. "Happy Birthday, Mykel!"
Image hosted by Photobucket.com
2. "Mykel"
Image hosted by Photobucket.com

kelly.kili at 2:10 AM

Saturday, July 02, 2005

Weeding Out

Like any typical Saturday, I am facing my laptop. I am inside Room 3009 of the Faculty Center in UP Diliman. I am smoking Winston Lights. The airconditioner is on, as well as the fan. But this very Saturday, this first Saturday of July, the lights inside this room are turned off.

Actually, I don't know what to say here. Rather, I know what to say but what I want to write is not just about me, but it concerns a bunch of my friends. They know who they are. We visited Kalantiyaw (Calantiao) last night, slept around 3am, woke up half-past eight. And now, I am craving for something sweet.

Today is Piya's birthday.

kelly.kili at 1:15 PM

Friday, July 01, 2005

There Comes A Point In Time

There comes a point in time when a wannabee writers is faced by the stark truth: that writing is a grueling matter, much like a begrudged stomach.

Lately, I have been wondering to and fro, thinking of how much there is to make out of writing. I remember pieces of myself, like Jewel's "Pieces of You" song, cascading in what seems to be an edgy ball at the rim of a glass. How it cascades at the rim of a glass is a jarring thought, a seemingly and unmistakably senseless excuse for my incapacity to describe or narrate well. Well, in such cases as this, I wonder which really comes first: the thought or the afterthought?

I saw Kit and Aste yesterday. Aste grew thin, slighted with mediocre pimples, while Kit was flashy, her eyes concealed by windshield-shaped spectacles. We really didn't talk about writing, the art of it, or the lack of it, or the use of it. Rather, we talked about binging and drinking and some thoughts and afterthoughts of collegiate life, a bit of politics, and a get-together. I left them under the hoods of the Faculty Center Walk. And I walked past the waiting shed, boarded a UP-Katipuan jeep, saw Omeng's object of love and lust, paid my fare, and descended a bit far from the UP College of Mass Communication. And then I walked past the trees, the vendors, the grass, unmindful of the heatwave, puffed a Winston Lights, and hurried home.

Now, I am here trying to get to sleepdom. My spirit is willing to sleep, but my flesh is weak. Cheky, the household mother cat, earlier this week, gave birth to three kittens. Until now, her pussy's into bleeding. I worry for her. She's unusually silent, I surmise maybe because she's overfatigued nursing her babies. Or maybe she's just plain too old already.

Are there feminist cats? Cheky might be one. And Isabel too.

kelly.kili at 12:43 AM

Tuesday, June 28, 2005

BY FAR

There's so much more than mere telling and retelling. That's why I'll try to show you what's between, underneath, beside, over and beyond.

Of course this apothegmic expression of mine is by far the most inane of my proto-nihilistic self-indulgent intellectual hyphenisms. Simply put: ENNUI.

By far, the most excruciating of all pains is the one whose manifestation is not consigned to physicality.

By far, the weakest erudition of happiness is oggling at low-end of a fire tree.

By far, the most stringent task is that which merits insubordination.

By far, the happiest movie is Confessions of A Teenage Drama Queen.

By far, the loneliest movie is Oasis.

By near, the nearest solution to a grueling gustatory want is a UP Manininda.

kelly.kili at 6:35 PM

Thursday, June 16, 2005

Spidertown

I haven't reall read the novel Spidertown by Abraham Rodriguez, Jr., a Puerto Rican writer residing in the South Bronx, New York. There's something about urban diasporics that make me gyrate towards them.

Jerrie bought the said book at Booksale, Waltermart, E. Rodriguez Ave. Hmmm, how the author's surname and the street's name seem to coalesce. Anyway, I unmindfully turned the book to page 198, which is the first page of Chapter 15. The first line goes: "In the morning he was groggy and unshaven."

The line reminds me of those bad old days when Caloi and I wasted our wits and brains and hearts over heartache, the sheer sneer of uncertainty, and the countless ennuis of a petiburgis life. But I am just so glad that we are facing, I think, a brighter future, with, of course, the high hope of PGMA's removal from office -- a tinkering much anticipated and an event that will contribute to the restructuring and overhauling of the societal and polito-economic system that we have now under the rule of the bickering elites.

* * *

I checked out the official website of Desperate Housewives. It's cool. But I want to see more naked bodies. I guess I'll try yahoo groups next time (or later, maybe, hehehe).

* * *

Jerrie's sleeping. I can hear his breathing. I wanted to watch an episode or two of Queer as Folk Season 4 with him, but the episode(s) has/have to wait. He has a 6am office work. That's what I call the "Time diktum of multinational capitalism."

Next time, I hope it's the time diktum of scientific socialism.

kelly.kili at 11:24 PM

Sunday, June 12, 2005

Of Intrigues and Instability

Narinig ko yung speech ni PGMA tungkol sa diumano'y destabilisation plot sa kanyang panunungkulan.

Umakyat ako sa kuwarto ng mga magulang ko para manood ng t.v. Alas dose ng madaling araw, kanina lang, at katatapos ko lang manood ng DVD version ng Confessions of A Teenage Drama Queen na pinagbibidahan ni Lindsay Lohan. Mas maganda yung speech ni Lola/Mary (Lohan) kaysa sa speech ni PGMA.

The crudest and most irresponsible and most fascist president to date si PGMA. Kapal ng mukha. In her speech, she time and again said that how can she serve the poor when people do not trust her. She also said that it is the poor that she serves and no one else.

If the poor were God, PGMA's statements would be blasphemous. Yeah, she's right. She really loves the poor that's why she happily signed the E-VAT. Two months ago, our electricity bill was P1,500. Last month, tumaas lang nang katiting ang konsumo namin sa kuryente ay nagkakahalaga na ng P2,500.

* * *

Kaninang tanghali hanggang mga alas-sais ng gabi, nasa Plaza Miranda at Liwasang Bonifacio kami para ipanawagan ang pagpapatalsik kay PGMA at sa pagbaba nila PGMA at Noli ay kailangang magtayo ng Council of Leaders na siyang kolektibong magpapatakbo ng bansa. Pagkagaling sa demonstrasyon, ibinababa ako nina Dr. Bien Lumbera at Prof. Judy Taguiwalo sa paanan ng Quezon Bridge dahil papunta ako sa Hidalgo para tingnan kung may Season 5 na ng Queer As Folk. Siyempre wala pa rin. At kung mayroon man, kulang rin ang dala kong pera.

Sabi ni Roland kanina, wag na raw muna akong gumastos masyado dahil may krisis ang Pilipinas. Sabi ko naman, di naman lalagpas sa P100 ang bibilhin ko. Pero tama pa rin talaga si Roland, na talagang may krisis ang Pilipinas at kailangang itabi ang lahat ng maaaring itabi. Tiyaka medyo nakonsensiya nga ako kasi mayroong tatlong tila sintu-sinto akong na-encounter kahapon. Una sa dyip papunta sa Quiapo/Plaza Miranda. Ikalawa ay yung muntik nang makabunggo sa aking nung papunta ako sa isang stall sa bangketa sa Hidalgo kung saan bumili ako ng (1) Confessions of A Teenage Drama Queen, (2) Rashomon, at (3) Girl Next Door. Three for P100. Tapos bumili ako ng piniratang Audio CD ng The Best of Roxette, favorite namin ng bunso kong kapatid na si Jay-ar.

* * *

Kapag may isinuksok, sa simbahan ang tuloy -- German Gervacio

kelly.kili at 2:10 AM

Saturday, June 11, 2005

Para Kay Ida May La'o

Hunyo 10, 2005
Atty. Ida La’o
Vice-Chancellor for Community Affairs
University of the Philippines, Diliman

Mahal na Atty. La’o:

Magandang araw!

Sumusulat po kami sa inyong opisina upang ipabatid sa inyo na tutol kaming mga guro sa nakaambang pagpapaalis sa 16 na UP Manininda na nakapuwesto sa Academic Oval. Naniniwala po kaming arbitraryo ang desisyong ito at isang porma ng pagsiil sa karapatan ng mga miyembro ng komunidad ng UP Diliman.

Napag-alaman po namin na dalawa sa mga dahilan na inyong ibinigay sa mga opisyal ng UP Manininda kung bakit sila ay nararapat na tanggalin sa Academic Oval ay dahil sa usapin ng seguridad at kalinisan. Ayon po sa inyong opisina, nagiging sagabal sila sa pagmimintina ng seguridad sa kampus dahil nakababalakid sila sa operasyon ng UP Diliman Police (UPDP). Gayundin, nagiging sagabal sila sa promosyon ng kalinisan dahil tila nagmimistula silang “eyesore.”

Ang mga ganitong dahilan ay absurdo at hindi kapani-paniwala. Una sa lahat, ang problema ng seguridad sa UP ay hindi dahil nakababalakid ang UP Manininda sa operasyon ng UPDP. Ang problema ng seguridad ay maiuugat sa mababang badyet na inilalaan ng gobyerno sa UP. KULANG NA KULANG ang pondo ng UPDP, kakarag-karag na ang sasakyan nila, at hindi sapat ang kanilang sahod. Kung hindi man sila nakakapag-opereyt nang maayos, iyon ay dahil wala silang motibasyon. Kung tutuusin, isa sa mga sandigan naming mga guro at sandigan ng aming mga estudyante hinggil sa seguridad sa kampus ay ang mga UP Manininda. Bahagi sila ng Multisektoral Assembly ng University Student Council at nagiging dagdag na tagapagbantay at tagapagpanatili ng seguridad namin sa kampus.

Hinggil naman sa usapin ng kalinisan, kahit noong panahon ng panunungkulan ni dating Vice-Chancellor Gil Gotiangco, epektibo ang mga miyembro ng UP Manininda sa pagpapanatili ng seguridad at kalinisan sa kampus. Tumutulong sila sa lingguhang paglilinis ng mga nakatalagang lugar sa loob ng kampus. At kahit kaming mga guro ay makapagpapatunay na hindi sila eyesore, bagkus ay tumutulong sa pagmimintina ng kalinisan sa kampus.

Naniniwala po kaming ang inyong aksyon at desisyong paalisin sila sa Academic Oval ay upang i-prioritisa ang mga pribado at malalaking negosyanteng nais pumasok sa loob ng UP bilang mga konsesyonair. Hindi makatarungan na isakripisyo ninyo ang maliliit na UP Manininda upang paburan ang malalaking negosyante. Sa taas ng mga bilihin, na lalo pang tumataas dahil sa dikta ng malalaking negosyante, ang mga UP Manininda ay nagbibigay sa amin ng kakayahang bumili sa mas murang halaga, para sa aming pang-araw-araw na panawid. Kadamay po natin ang UP Manininda, at dapat sila ang inyong pinoprotektahan at pinaprayoritisa.

Lubos na gumagalang,
G. Michael Francis C. Andrada
Ad-Hoc Committee Officer
Congress of Educators/Teachers for Nationalism and Democracy (CONTEND-UP)
Instructor, Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas

kelly.kili at 11:12 AM

Sunday, June 05, 2005

PRAMIS

1. Ang isa sa re-realization ko ay ang huwag nang gumawa ng mga pramis. Pramis. Laluna sa mga panahong ito na hectic ang buhay ko.
2. Bakit hectic?
a. Last enrollment ko na ito this semester para sa MA Philippine Studies ko. 6 units ng AP 300 (Thesis) at sana di talaga masayang ang panahon ko ngayon; or better yet, sana di ako magahol sa oras. Kailangan ko na talagang magdesisyon sa tatlong topic (sa ngayon) na naiisip ko:
a.1. "Mediasyon sa Mendiola: Pangkultura at Panlipunan Kasaysayan ng Mendiola."
a.2. "Birheng Transnasyunal: Pagdalumat sa Konsepto ng Birhen mula Prekolonyal Hanggang Virgin Cola"
a.3. "Pasa Kalye: Subersyon at Delineasyon sa mga Awiting-Batang sa mga Lansangan sa Pilipinas"
b. 15 units ang load ko. Apat na klase ng Pan Pil 17 (Kulturang Popular) at isang klase ng Pan Pil 12 (Text Mo, Text Ko)
c. Mga proyektong libro
d. Manuscript ng mga maikling kuwento ko
e. Screenplay ng "Apartment sa Dapitan"
f. Paghahanap ng scholarship abroad
3. Pramis, hindi ko ito pramis sa sarili ko.

kelly.kili at 2:54 AM

Tuesday, May 31, 2005

"WOULDN'T IT BE NICE" NG THE BEACH BOYS

Nakabili ako last week sa Quiapo ng piniratang cd ng "The Best" ng The Beach Boys. Halaga: P25. Paborito kong single ay ang "Wouldn't It Be Nice" na ginamit sa German film na Das Experiment.

Salamat kina Kenneth Guda ng Pinoy Weekly at Joms Salvador ng Gabriela-Youth ay napanood ko three or four years ago ang Das Experiment. Hanggang ngayon ay di ko pa rin naisosoli ang piniratang VCD copy ng nasabing pelikula. Last year, ipinapanood ko sa mga klase ko sa Humanidades I sa UP Diliman ang naturang pelikula at na-shock ang mga estudyante ko dahil sa sobrang violence nito.

Ganito kasi ang Das Experiment. Mayroong isang ahensiya na nagpalabas ng anunsiyo sa diyaryo na naghahanap sila ng mga taong willing magpa-subject sa isang experimento. Psychological experiment ito. Simulation ng isang prison. Babayaran ang mga matatanggap ng malaking pera. Journalist ang isang nag-apply, pero itinago niya ito. Taxi driver rin kasi ang nasabing journalist (yung lalaki sa Run Lola, Run). Big break para makabalik siya sa journalism scene kung mapag-aaralan niyang mabuti ang nasabing proyekto, kaya ang tanging paraan ay ang maging involved dito, first hand. Natanggap yung journalist. Undercover siya. Yung spectacles niya, mayroong built-in camera. Astig.

Dahil prison simulation nga, ang mga natanggap ay pinili kung magiging pulis o prisoner. Yung journalist ay isa sa mga prisoner. Tapos maraming pulis. Anyway, dalawang linggo dapat ang experimento, pero tumagal lang ito ng tatlo o apat na araw dahil nag-takeover ang mga pulis-pulisan at nabulilyaso ang experimento. Napaka-Foucauldian ng nasabing pelikula. Yung omniscient eye sa panoptics ni Michel Foucault ay mahihibo sa nasabing pelikula -- nagpapaalala na sila ay nasa lilim at lawas ng kapangyarihan ng estado. Sa pamamagitan ng 24-hour cameras atbp. Nakabantay ang batas, pero siyempre laging may locus para suwayin ang batas, at iyon ang ginawa ng marami sa mga prisoner.

Tapos, nung mag-takeover yung isang pulis (si Belrus) bilang head ng mga pulis, ipinapatay niya ang mga camera, at nagpatugtog nang malakas (rinig sa buong kulungan) yung pulis na ang totoong trabaho ay impersonator ni Elvis Presley. Pero ang pinatugtog niya ay ang "Wouldn't It Be Nice" ng the Beach Boys. Ginamit ang kanta para pagtakpan o lunurin ang hiyawan ng mga prisoner na binubugbog.

Parang kung paano ginamit ng conjugal dictatorship nina Ferdinand at Imelda Marcos ang insitutsyunalisasyon ng OPM (Original Pilipino Music) -- tulad ng mga awit ni Victor Wood na copycat ng American imperialist music -- para lumalang ng tila masayang kulturang musikal upang lunurin ang samu't saring katiwalian noong panahon ng Batas Militar. At kung paanong sa kasalukuyang panahon, lunod na lunod ang music industry ng Pilipinas sa mga novelty song. Tila ipinapahiwatig na masaya't kaaya-aya ang buhay sa Pilipinas; nilalabusaw ang isyu ng Extended VAT, ang malawak na militarisasyon sa kanayunan, ang sunod-sunod na pagkitil sa buhay ng mga human rights advocates at media(wo)men.

Nakaririnding eskapismo.

kelly.kili at 9:12 AM

Thursday, May 26, 2005

NGAYON LANG ULI, SA PILING NG MGA PUSA

Nakaharap ako sa laptop at kanina pa nakikipagbuno sa birtwal na mundo. Mata sa mata. Pero mas marami pa sa mga mata ng pinya ang mata ng birtwal na kalaguyo/ kaibigan/ katukayo/ kaaway/ kaapid/ kapisan. Sa piling ng mga pusang ipinapaalala sa akin na hindi lang ako ang gising sa dis-oras ng madaling umagang ito. Si Jerrie, tulog na, pagod na pagod ang bata galing sa pagpirma ng kontrata sa Convergys.

Isa sa mga nagdudulot sa akin ng alalahanin ngayon ay ang pagpasok ni Jerrie sa Convergys. Alam ko kailangan niya ng pera, pero paano na ang pag-aaral niya. Natatakot ako na baka hindi na mag-aral si Jerrie. Matalino pa naman talaga siya (para ko na ring sinabi na kapag bobo wag nang mag-aral; pero hindi iyon ang ibig kong sabihin). Basta, manghihinayang talaga ako pag di siya nakapagtapos.

Narito na naman ako sa puntong gusto ko nang huminto sa pagtuturo. Maliban sa iilang bagong kaibigan sa Department, at sa isa sa pinakamatagal ko nang matalik na kaibigan si U Eliserio, wala na akong ibang maisip na dahilan kung bakit dapat pa akong manatili sa UP para magturo. Siyempre, bukod na rin yung plea na magturo para sa pambansang demokrasya, para sa "pagbubukas ng isip" ng maraming nasakop na ng gahum ng naghaharing sistema sa kasalukuyan, wala na akong naiisip pang dahilan para manatili sa UP at para ipagpatuloy ang MA ko kahit na thesis na lang at language exams ang kulang ko.

Una sa lahat, di lang ako bad trip sa sinungaling na Department Chair namin (nagfalsify ng documents, mahilig pumatol sa mga tsismis, ginagamit ang kapangyarihan at posisyon para mang-alimura ng iba, paranoid, sinungaling, at nag-aastang aktibista pero wala namang praxis -- yung play niya tungkol sa sitwasyon ng mga guro at titser ng bayan sa Pilipinas, pero siya mismo ay anti-titser). Bad trip ako sa mga tsismoso't tsismosa sa department. At lalong bad trip ako sa mga STRAW, HIGOP, SIPSIP sa department. Yung mga di makapanindigan kasi inaakala nila na dahil walang ginagawang masama sa kanila ay di sila kikibo; na kahit na tinatanggal na sa trabaho ang isang kapwa guro ay aasikasuhin pa ang pagbibigay ng mga bulaklak sa mga huklubang matatanda na gamitero ng kapangyarihan. Yung mga bigla na lang susulpot sa kung anong miting tapos magsasalita na para bang alam na ang buong isyu ng tanggalan. Yung mga tipo ng taong naninira, nagbubulong ng tsismis, at yung tipo ng nananahimik dahil gustong isalba ang kanilang mga malalaking puwet. Wala akong karespe-respeto sa kanila.

Kung puwede lang gayahin ang mga binata sa "Elephant" ay gagawin ko yun, kaya lang wala akong pera pambili ng armalayt at hightech na mga sandata.

Tatlo lang naman ang mapapagpilian ko ngayon e:
1. mag-suck-up sa mga MNCs at TNCs at maging bahagi ng call center;
2. magpadala sa tawag ng dolyar sa Dubai, Saipan o kung saan man; o
3. mamundok na nang tuluyan.

At sa pinakamatinding kadiskursuhan ko hinggil sa pagsusulat at paggawa ng pelikula, ito lang ang masasabi ko sa yong bwakanangina ka

"Kung pagsusulat at pagggawa ng pelikula ang pag-uusapan, sawang-sawa na ako sa pagsamba at pagdambana sa mga sining na ito bilang ubod at buod ng buhay. Sawa na ako sa mga kuwento, tula, dula at pelikulang tungkol sa juvenile love, sa unrequited love, sa existentialismo ng mga patakaran ng paggawa ng komersyal at indipendiyenteng mga pelikula, sa paghahanap ng kaluguran sa pamamagitan ng independent publications; sawang-sawa na ako sa mga taong nagdidikta sa akin ng norms nila; sa pagtutulak na ang pagsusulat ay isang phase lang ng buhay; letse! Mga may pera lang ang mabubuhay sa pagsusulat at paggawa ng pelikula. Ang mga walang pera pero nagpupursiging kumatha at gumawa pa rin ng pelikula ay naglalayon lang maging bahagi ng mainstream na independent film making. Let's face it: wala nang konsepto ng indie ngayon dahil primarily co-opted na ito ng mainstream. Halos lahat gumagawa ng indie films at publications para makakuha ng audience, at eventually ay para kunin ng mga sumisikat at upcoming directors and writers and artists, if not by the already established mainstream moguls of commercial film making and literary canon-making bitches and asses!"

I hate the world today. Admittedly, this entry is angsty, like a half-lit cigarette. And a mother cat pained by an eight-month old cat's wanting for breast milk.

kelly.kili at 2:14 AM

Friday, April 22, 2005

SUMMERY EXECUTION

Nagsimula ang summer classes nitong Lunes. Masaya naman, so far. Matatalino ang mga estudyante, at nagpapartisipa sa mga talakayan. Mas lalo akong naeeksayt. Iyon nga lang, pagkatapos ng apat na oras na tuloy-tuloy na klase -- pakikinig at pagsasalita at pakikinig at pagsasalita -- tuyot na tuyot ang lalamunan ko at hinihingal ako at parang may sayawan sa loob ng utak ko at malakas ang bababoomboom sa mga nagsasanga-sangang malalansang kalye sa ilalim ng aking bumbunan.

Nararamdaman kong simula na talaga ng summer classes dahil HINDI NA AKO NAKAKAPANOOD NG DVDs, gabi-gabi. Ngayong gabi naman, gusto ko nang matulog pero di ako makatulog kahit na sa katunaya'y antok na antok na talagang-talaga ako. Bukas ay graduation ng mga estudyanteng magsisipagtapos ng Kolehiyo ng Arte at Literatura (KAL). Marshall ako, kaya magbabarong at magsa-sablay ako. Two years ago, nakabarong at nakasablay rin ako sa graduation ng batch namin nina Reagan at JPaul at iba pang tibak. Ngayon naman, sina Piya at Dell ang magmamartsa bukas. Eksayted na eksayted ako para sa kanila, kahit napipilitan lang yung dalawa na dumalo, hehehe.

Ampayat ni Piya. Hindi naman yung patpatin. Di lang ako sanay. Si Dell naman active at talkative as ever; the familiar chitchating aura, ika nga.

Nagtext si Cynthia kanina, may sakit pala siya dalawang araw na. Di ko man lang siya matext kasi ubos na ang load ko.

Kumain kami ni Will sa Wendy's kanina. Naibigay ko na sa kaniya ang DVD copy niya ng Chungking Express na nabili ko sa Quiapo. Pasado alas-siyete na kami nakarating sa SM North Edsa, dahil sa katagalan ko. Bukas, mag-aayos kami ng mga upuan para sa graduation, alas-diyes ng umaga.

Nalalaman mong "you're spreading yourself too thinly, again" kapag hindi ka na nakapanonood ng DVDs, gabi-gabi.

kelly.kili at 11:09 PM

UPWC//LITAPP 2005 CALL FOR SUBMITS

nagbabalak ang UP WRITERS CLUB na maglabas ng kanilangliterary folio, the first in TWELVE FUCKING YEARS,man, kaya, putsa, EVENT 'to, pare. magpasa ng PINOY oINGLES na mga akda kay Jun Cruz Na Ligas, sa kanyangeMail address na juncruznaligas@gmail.com at ke CarlJavier na rin, sa eMail niyang carl.javier@gmail.com para koey, para masaya, para marami.

wala naman ata 'tong tema, pero kung ako angtatanungin, panalo sana kung panay mga akdang palaban,in the sense na, nilalabanan niyo 'yung mga haligikumbaga, 'yung papataubin ang estante ng panitikangpilipino, kung ano man ibig sabihin n'un sa inyo. gayakunwari nung akda nung isa sa mga nakapagbigay na, natungkol sa LITERARY MAFIA at PADRINO SYSTEM, amongother topics; at 'yung isa naman, tungkol sa PROSESONG PAGTUTURO NG PANITIKAN SA PILIPINAS, mga metapoetryna hindi lang pagsusulat ang tinitira, kun'di angbuong mundo na ng panitikan at pagsusulat sapilipinas.

HOLISTIC COLLECTION sana ang gawin natin,lahat ng related topics dito, subukang gawan ng akda,gawan ng kumento, 'di ba? para solid. 'yung tipong, NONREQUIRED READING siya, ANTI-THESIS ngmga ibang LITERARY JOURNALS na naililimbag sa kungsaan-saan, mga kuwentong kabaklaan na masaya, mgakalesbiyanahan na positive ang ending, mga kuwentongkamachuhan, mga babaeng binubugbog at gumaganti peropinapakulong, mga kuwentong hango sa buhay ng mgataong 'di pa ipinapanganak, mga hango sa paboritingmga kanta o idolong manunulat na hapon, lahat ngpuwedeng maisip at 'di-maisip pero kayang maisulat,mga kuwentong 'di papasa ke Paolo Manalo o sa Palancao sa Tinig.com o sa Women's Weekly, mga 'di momakikita sa website ni Ian Casocot, mga mababasa molang sa blog-blogan, pakipasa pakipasa pakipasa.

mga tula't kuwento, parehong okey, pero sana ilimitanatrin ang mga sarili sa iilang pahina lang, mgatatlo, ganun, kasi kapos tayo sa espasyo, unless maymagbigay ng malakilaking pera sa librong ito, paradumamidami at kumapalkapal naman ang LITAPP. meronbang makakapagbigay ng pera sa amin? i-eMail dinkaming dalawa ni Carl, at mag-usap tayo. at mga komiks din, welcome, mga kantang naisulat,lagyan natin ng chords at tabs, gaya ng SATAN RULES oSHIELA DOESN'T LIVE HERE ANYMORE ng Easy Fagela AndThe Forces Of Evil, na sana ibigay nila, at lagyan ngchords, para kakaiba. basta, 'yung mga palagay mo ay'di pa naiaadress nang maayos, o 'di pa naiaadress atall, gawan niyo ng kuwento, ng tula, ng malikhaingakda na makakapagpabago ng buhay ng mambabasa, 'yungtipong makapagbibigay sa kanila ng panibagong mgaideya at pananaw sa buhay. ang THOUGHT-PROVOKING nganaman ay mga bagay-bagay na kikiliti sa mga tao paramakapag-isip ng mga bagong ideya, hindi paguulit ngmga ideyang alam na nila. kaya ayunh, pakipasa na lang ke Carl Javier sacarl.javier@gmail.com at kay Jun Cruz Na Ligas sajuncruznaligas@gmail.com sa RTF o JPGs kung may mgalitratong gustong ilagay. pakipasa 'to sa lahat ngkakilala ninyo, kahit 'yung mga tipong 'di nagsusulato 'di na nagsusulat, baka makapagsulat sila uli, obaka subukan na nila biglang magsulat dahil sapangungulit ninyo, basta.

HULING ARAW NG PAGSUSUMITE: MAYO UNO TWO THOUSAND LIMA salamat!!

- HAWTHORNE MARCOS, III
Pilipinong Patnugot

kelly.kili at 10:50 PM

Saturday, April 16, 2005

CONGRATS PRES. GLORIA MACAPAGAL-ARROYO! YOU DID A GOOD JOB!

Isang maalab na pagbati kay Pang. Gloria Macapagal-Arroyo!

Sa wakas ay naipasa na niya ang pagtaas ng VAT, salamat sa tulong ng matatalinong propesor at ekonomista ng Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman, ang UP11.

Maraming salamat dahil pati kuryente at langis ay mayroon nang pagtaas ng VAT.

Salamat sa mamahaling sardinas. Sa nakaka-alta presyong presyo ng baboy at iba pang karne. Sa mamahaling santol, kaimito, pakwan, kamote, at aratiris. At bayabas. Sa naglalakihang repolyo at patatas na genetically modified. Sa mas mahal na french fries, hamburger at Coke sa McDonald's, Jollibee, Rodics, at Lutong Bahay. Sa mas mahal na isaw, fishbol, at yosi na lagi kong binibili at ng mga kaibigan ko.

Matutuwa ang refrigerator namin, kailangan na siguro siyang mamahinga, dahil sa sobrang taas ng magiging presyo ng kuryente, baka mas maganda pang ipambili ng pagkain ang pambayad sa kuryente.

kelly.kili at 1:31 AM

ATTN: DFPP GRADUATING STUDENTS, ABRIL 2005, IMPORTANTE AT URGENT!

Sa mga estudyante ng DFPP ng UP Diliman na magsisipagtapos / gagradweyt ngayong Abril 23 (Sabado), mangyaring dumalo sa isang Pulong sa Abril 20 (Miyerkules), alas nuwebe ng umaga (9am) sa Aklatang Patricia Melendrez Cruz (APMC). Attendance is a must. Pag-uusapan rito ang rehearsal, ang mga impormasyon para sa inyong magulang, at ilan pang detalyeng mahalaga para sa graduating ceremonies ninyo sa Sabado.

Kung may katanungan, hanapin sina Prop. Will Ortiz at G. Mykel Andrada (graduation marshalls) sa DFPP Office o di kaya'y magtext sa 0915-4413324 o mag-email sa manlabusaw@yahoo.com.

Maraming salamat!

kelly.kili at 1:19 AM

Friday, April 15, 2005

RANDOM THOUGHTS (NA NAMAN)

1.
Nasa kuwarto sa ikawalang palapag ang tatay ko, mag-isa. Sumama sa pinsan naming si Kuya James si Jay-ar para magbakasayon sa Baguio (pero di pa sigurado si Jay-ar kung sa Baguio nga ba o sa ibang lugar). Ang nanay ko naman ay nasa Iloilo. Kaya mag-isa sa kuwarto ang tatay ko. Hindi na ako doon natutulog. Sa sala, sa baba, ako natutulog. Pero umaga na ako kung matulog. Alas-sais o kaya alas-diyes. Tulad kahapon. May sakit ang tatay ko, ubo-ubo nang ubo, at malagkit na malagkit raw ang plema. Di ko lang sinasabi sa kaniya, pero natatakot ako na baka may tuberkulosis na naman siya. Hindi na kasi siya nadala. Hanggang ngayon ay ginagawa niyang tubig ang alak, laluna ang gin.

2.
May finorward na text message ang nanay ko kanina, galing raw kung kanino. Ang nakalagay roon ay may prediksyon raw ang isang Sister na lilindol ng Intensity 9 sa Manila kahapon ng alas-singko ng hapon. Siyempre naasar ako sa text na iyon, kasi nasa Iloilo ang nanay ko, at tiyak na mag-aalala iyon, tulad nga nang nangyari nang pag-aalala niya. Ang distansiya talaga ay nakakapagpatindi ng paranoia. Naasar talaga ako. Sa katunayan, inaway ko ang nanay ko sa text, sabi ko "Wag k n ngang ngpa2nwala s mga gnyan! Nkkasar! Kaw lng ngppkaba s srili m! Nkkpkon!" Basta parang ganun. Siyempre, na-guilty ako kasi nanay ko yun. Kaya kumabig ako sa susunod na text ko sa kaniya: "Nakabili ako ng SIMS (six-in-one). Ang ganda!"

3.
Natatae ako, pero ayokong tumae. Tinatamad ako.

4.
Binibigyan ko pa ang sarili ko ng isang taon.

Pinag-iisipan kong mabuti ang paghahanap ng bagong trabaho. Naiisip ko kasi na sa ngayon, wala ang utak at puso ko sa pag-aaral at pagtuturo. Na baka all this time ay niloloko ko lang ang sarili ko na ang pagtuturo ay para sa akin. Sa tingin ko, niroromantisays ko nang matagal nang panahon ang pagtuturo; na mas marami pa akong puwedeng gawin bukod dito; na sobra ang pressure sa isang institusyong umaastang radikal pero sa totoo'y burgis at nakakawing rin naman talaga sa pulitika't ideolohiya ng kapitalismo; na maraming kupal kahit saan (inakala ko kasi dati na sa akademiya ay mayroon talagang kalayaan sa pag-iisip). Na ayoko talagang magpa-subsume sa mga lider-lideran.

5.
Ganun rin sa pagsusulat. Matapos maging fledgling writer, matapos maging bohemian-mode, artsy-fartsy, modernist, at kung anu-ano pang kategorya't ismo, iniisip ko kung saan nga ba patutungo ang pagsusulat ko. Na baka hanggang ngayon ay nakakahon pa rin ako sa romantic period ng pagsusulat. Di ko ito magiging propesyon, alam ko. Di rin nito pakakanin ang mga kapatid at magulang ko -- at ang magiging pamilya ko. Bukod sa pagiging social realist ko sa pagsusulat, ito ang silbi ng pagsusulat sa akin: ang magmulat at mamulat. Malinaw na hindi ito propesyon. Kaya naririto pa rin iyon sa akin, hinding-hindi mawawala.

6.
Naiisip kong maghanap ng ibang trabaho, sa gobyerno pa rin, sa Supreme Court o sa Court of Appeals bilang Interpreter. Naiisip ko ring maghanap ng trabaho sa Saipan, naroon si Aggie, at marami raw opening. Naiisip kong mag-call center. Mag-NGO. Bumalik sa pagiging diyarista. O di kaya'y magtayo ng sariling business (kasama sina Piya, Mikael at Louie); magtayo ng isa pang business (shop ng comic books, mga libro, pelikula -- SINEWAYA mode); at magtayo ng isang maliit na paaralan para sa mga hindi nag-aaral. Libreng pag-aaral.

7.
E kung pumunta na lang rin ako sa New York, sa Belly of the Monster, sa Sikmura ng Pinakasuwapang na Imperyalistang Bansa. Naroroon ang Kuya Rodel kong nagtatrabaho sa isang multinational corporation. Mag-domestic helper na lang kaya ako, sa Europa.

8.
O baka talagang madali lang akong magsawa. Madaling mapagod. Madaling mawalan ng loob. Na baka ako yung tipo ng taong hindi tatagal sa isang klase ng trabaho sa loob ng mahabang panahon. Na ang matali sa isang uri ng trabaho sa loob ng isang buong akademikong taon ay nakakabagot.

9.
Nakakaadik maglaro ng bagong SIMS at ng The Incredibles. P50 kada disk ang PC Games sa Hidalgo. May interesting na PC Game kaming nakita ni Jerrie, "Playboy Mansion."

10.
Limang buwan na kami ni Jerrie nitong Abril 12. Lagi niya akong pinapangiti. Napaka. Palad. Ko.

kelly.kili at 1:38 AM

Monday, April 11, 2005

Ilang Pakwan Para sa mga Pelikulang Ito?
Mga nabili namin ni Jerrie kahapon sa Quiapo. Three for one hundred pesos ang mga ito. Hindi ko pa napapanood ang mga ito maliban sa Chungking Express.

1. Chungking Express.
Sa bangketa ko lang nabili, yung karton ang lalagyan. May dalawang kopya, binili ko pareho.


SIDE STORY. Two or three weeks ago (yata), nanood kami nina Eleyn, Suyin at Jerrie ng First Love ni Eric Kot. Pinagbibidahan ito ni Takeshi Kaneshiro (sa unang bahagi) at ni Eric Kot (sa ikalawang love story). Attempt ito ni Eric Kot na magpaka-Wong Kar Wai. Sa katunayan, ni-rehash niya ang dalawang istoryang ito sa Chungking Express. Pero nagustuhan ko talaga ang pelikulang ito. Sa halip na pulis (sa Chungking), garbage man si Takeshi sa First Love, at inlab siya sa isang babaeng taga-bakery, katulad sa Chungking (pero istorya na ni Tony Leung). Ang ganda-ganda-ganda-ganda! Eccentric na garbage man si Takeshi na nangongolekta ng mga basyo ng softdrinks dito sa First Love samantalang sa Chungking ay mga Del Monte pineapples in cans na may expiry date na May 1, 1994 ang kinokolekta niya. VCD copy ang mayroon si Suyin kaya nakopya ko na rito sa laptop ko.

RATING KO SA FIRST LOVE: THE LITTER IN THE BREEZE =




2. I Stand Alone, pelikula ni Gaspar Noe.
Ikinuwento na sa akin ito ni Suyin nang pahapyaw. Kailangan may kasama akong manood nito.



3. Carandiru, pelikula ni Hector Babenco.
Yung direktor ay siya ring nagdirihe ng Kiss of the Spider Woman. Tsaka yung lalaking bida, parang bida rin ata dun sa Madame Sata.



4. Rickshaw Boy, panulat at direksyon ni Ling Zigeng. Classic Chinese film raw ito.



5. Naked Ambition, starring Louis Ku. Comedy tungkol sa dalawang comic section editors ng isang magasin na bilang nawalan ng trabaho, kaya ayun, nagdesisyon silang maglimbag ng sarili nilang porn magasin.


kelly.kili at 2:18 AM

email: manlabusaw@yahoo.com

maystar designsmaystar designsmaystar designs
Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com